Meraki

56 4 0
                                    




"five sa likod!" sigaw ni esma ng tangkaing hampasin si ciara sa likod ng panget na lalaki mula sa kabilang grupo. agad siyang nakailag at malakas niyang sinapak sa mukha ang lalaki.

~boogsh boogsh~

nanonood lang ako mula sa screen habang sila ay nakikipag laban sa labas. hindi ako lumalaban sa lahat ng fights. depende lang kung sino kalaban at kung sino worth it sakanilang ibigay ang oras ko.

hindi kalakasan ang kalaban ngayon. sa nakikita ko ay baguhan lang sila. mabagal ang kilos ng iba sakanila at ang iba naman ay alam mong hindi ganon kalakas.

hindi basta basta nakikipag laban ang meraki. hindi kami lumalaban sa mga inosente. ang mga nilalabanan lang namin ay yung mga grupong hindi marunong rumespeto.

"aish! ang korni. hindi man lang nadampian yung gwapo kong mukha." pag iinarte ni vali habang umiiling iling pa.

dahan dahan lumapit sakanya si ciara na parang nandidiri ang mukha at tinignan si vali ng mata sa mata. "Aray! ano bang problema mo?" sigaw niya ng batukan siya ng malakas ni ciara.

"tsk. dinampian ko lang" sarcastic na sabi niyang sagot kay vali tsaka umupo na sa couch.

natawa naman kaming lahat sa ginawa niyang yon. lagi silang mag kaaway ni vali habang kami pinag tatawanan lang sila.

tch! bala kayong mag kainlaban jan.

"Ate hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ni esma na halata mong inaantok na.

"Oh siya tara na. lunes na nga pala bukas, shit." sambit ko.

"anong meron?", tanong ni quan.

"may presentation pa ko kay lola ay este loya", naalala ko na naman yung parang menopausal na teacher na yon. laging mainit dugo, lalo na sakin.

sabay sabay na kaming lumabas at umuwi sa bahay. sa iisang bahay lang kaming anim nakatira pero may tig iisang kwarto kaya kung iisipin niyong sawa na kami sa mukha ng isat isa... tch! hindi kayo nag kakamali.

pagkauwi namin ay kanya kanya na kaming pasok sa kwarto. naligo ako pag katapos kong mag pahinga at saka natulog.

--

kinabukasan...

"miss leif, you start the presentation"

wtf? sabi sainyo e. may lahing regla talaga tong lola na to, este loya.

pumunta na ko sa unahan at sinet up ang ippresent ko. hindi naman mahirap ang ippresent ko dahil tungkol lang siya sa definition ng loyalty. pinabunot lang kami ng words sa box at kailangan lang namin i explain ang meaning nito.

"papasok pasok ng late na akala mo may sariling oras. sa susunod na malalat--"

"good morning everyone." bahagyang natawa ang iba sa pag puputol ko ng pag rarap ni loya, masyadong masakit sa tenga. kita mo sakanyang nainis siya sa ginawa ko.

"Loyalty. loyal. ... Someone who is loyal is reliable and always true, like your trusty dog. Loyal comes from the Old French word loial which means something like "legal," but if someone is only loyal to you because the law requires him to be, that's not true loyalty, which should come from the heart, not a contract. thank you."dumeretso na ko agad sa upuan ko at hinintay na lang matapos ang klase.pagkatapos ng klase ay lumapit sakin si ciara.

"masyadong high blood sis?"

"pinatigil ko lang sa pag tahol."

Gangsters do fall in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon