Wael's pov
May pasok na naman kaya wala kong choice kundi bumangon at pumasok sa school. Pag baba ko ng kotse ay agad bumungad sakin tong si maze. Ano na naman bang trip neto?
"Morning?" lively niyang bati sakin.
"Morning" walang gana kong sagot sakanya kaya naman sumimangot siya.
"Aga aga ang sungit mo hm!"
"Ano bang kailangan mo?" tanong ko sakanya.
"Wala naman, gusto mong mag breakfast?"
"Hindi ako gutom"
~krukrukrukru~
Bigla namang tumunog yung tiyan ko kaya natawa siya sakin. Hindi nga pala ko nakapag breakfast sa bahay tsk.
"Come on" hindi na niya ko hinintay mag salita at hinila ako papuntang cafeteria. "Stay there. Ako na bahala kumuha ng food." umupo na lang din ako at hinintay siyang bumalik. Pag balik niya ay may dala dala siyang hot dog, bacon, pancake and rice.
"Bakit andami niyan?"
"Of course hindi ka pwedeng magutom no. Hindi pwede lalo na pag walang permission ko" confident niyang sambit.
"Excuse me?"
"Nevermind sige na, go eat your food" taka pa rin akong tumingin sakanya pero nanatili lang siyang naka ngiti sakin.
Nag simula na kong kumain dahil nga gutom na rin ako. Bigla naman akong napatigil dahil napansin kong nakatitig siya sakin habang malapad ang ngiti.
"You're so weird."
"Me? I hear that a lot haha. Sige lang kain ka lang."
"Tsk. Pano ako makaka kain kung nakatitig ka sakin?"
"Don't mind me" hindi ba to nangangalay kaka ngiti? "Alam mo ba napag usapan naming dalawa ng fiance ko na habang hindi pa kami kinakasal dalawa, we can live our lives how we want to. We can do whatever we want as long as hindi pa kami kasal. Pareho kaming napilitan lang kaya nag kasundo kami about dun. Wala naman kaming choice kundi sundin yung gusto ng mga parents namin, sad no?"
o_O
"Why are you telling me this?"
"Feel ko lang ishare hehe"
"Talaga bang wala kayong choice?"
"Hmm, I guess. We both love our parents."
"So papayag ka na lang pakasalan yung taong hindi mo naman gusto?"
Hindi niya ko sinagot agad at tumawa lang ng malakas. Tinaasan ko siya ng isang kilay kaya naman napatigil din siya sa pag tawa.
"Pwede namang hindi siya makatuluyan ko" tugon niya.
"Yun naman pala e."
"Pwede naman. Kung pipigilan mo ko" nakangiti ngunit seryoso niyang sambit.
"HAHA ano namang kinalaman ko jan?"
"Are you done? sabay tayo mag lunch mamaya ha. bye!" pagka paalam niya nag mamadali na siyang naunang umalis. weird talaga non.
Ilang minuto lang ay pumunta na rin ako sa first period ko. Pag dating ko dun ay naka tingin sakin si zach at blaise ng nakangiting pang asar. Taka naman akong tumingin sakanila tsaka umupo.
"Ikaw ha" asar ni blaise.
"Why? Anong meron?"
"yieeee! Breakfast together"