Sick

21 3 0
                                    

Esma's pov

I have no other choice kundi mag lakad pauwi. Halos kalahating oras mag lakad papunta sa bahay pero ano pa nga bang magagawa ko, kainis naman e! Basang basa na ko ngayon. As in buong katawan ko and lahat ng gamit ko. Bakit ba kasi kailangan ngayon pa mawala yung phone and wallet ko!

Super lamig na and tanging street lights at ilaw na lang ng mga sasakyan ang linawag na nakikita ko ngayon. Finally, after half an hour nakarating na rin ako. Pag pasok ko ng bahay lahat sila napatingin sakin.

"What happened to you?" lumapit sakin si ciara para kunin yung bag ko.

"Bakit basang basa ka?" obvious ba? syempre naulanan ako duh! slow din tong quan na to e. Kumuha siya ng towel at inabot sakin yun.

"Akyat na ko" pagka paalam ko sakanila pumunta na ko agad ng kwarto. Nilalamig na kasi talaga ko. Naligo na ko agad para naman mas gumaan na yung feeling ko.

~cough! cough!~

Owemji! Mukhang mag kakasakit pa yata ako. Hindi pwede! NO!! Madami pa ko kailangang gawin kaya next time mo na ko dalawin sakit ha? hehe makisama ka please.

Pagka ligo ko nakaramdam ako ng gutom. ang haba kaya ng nilakad ko, sino ba namang hindi gugutumin dun. Sakto namang pag dating ko ng kitchen nandun na silang lahat nakaupo. Wow, sinigang! Bigla tuloy akong ginanahan.

"Ano bang nangyari sayo at basang basa kang umuwi?" psh! minalas lang naman ako kuya.

"Wala kong dalang umbrella. Nawala yung phone and wallet ko tapos wala ng tao sa school. Ano pa bang ibang choice ko." shocks! oo nga pala, yung phone ko.

~cough! cough!~

"Hindi malabong magkasakit ka kaya uminom ka na agad ng gamot" sambit ni ate. Tinanguan ko na lang siya tsaka kumain. hehe namiss ko tong kainin.

Ang sarap!

"Sinong nag luto?" tanong ko sakanila.

"Si quan" eh? di na masama.

After naming kumain pina akyat na nila ko sa kwarto para daw makapag pahinga na ko. Shems! Mukha ngang mag kakasakit ako, wag naman sana matuluyan. I need to sleep na. Sana pag gising ko okay na tong pakiramdam ko.

Quan's pov

Hindi ko maiwasang mag alala kay esma pero ayoko namang mag over react. Nung makita ko siyang basang basa ng ulan tapos gabi na umuwi, sobrang nag alala ako. Bakit ba kasi hobby niyang maka wala ng gamit. Tsaka uso rin mag dala ng payong diba?

Medyo namumutla siya tapos umuubo ubo pa kaya hindi imposibleng mag kasakit nga siya. Hay nakong babae ka, bakit ba hindi mo matutunan ingatan yang sarili mo? Lagi mo na lang akong pinag aalala. Pumunta ako sa kwarto ni ria.

~knock knock!~

"Pasok" binuksan ko ang pinto nya tsaka pumasok sa loob. "Oh?"

"Kamusta na pakiramdam niya? Uminom na ba siya ng gamot?" hindi siya agad sumagot tapos biglang tumawa ng malakas.

o_O

eh? may nakakatawa ba sa tanong ko?

"Anong nakakatawa?" tumigil siya sa pag tawa pero nanatili siyang naka ngiti sakin ng hindi ko malaman yung ibig sabihin.

"Bakit hindi siya yung tanungin mo? HAHA"

"Baka nag papahinga na yun, ayoko ng istorbohin"

"Tss" natatawang singhal niya. "Oo pinainom ko na ng gamot"

"Buti naman. May pera naman yun, bakit payong lang hindi niya magawang bilhin? Di niya ba alam kung gano kadelikado mag lakad mag isa lalo na sa gabi?" nakakainis pero ano bang magagawa ko. "sige, thanks" palabas na ko ng kwarto niya ng bigla siyang nag salita.

Gangsters do fall in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon