Zach's pov
Kahit ako ay hindi ko mapigilang mabigla ng sumugod dito sila Ria kasama ang mga tropa niya. At ang mas nakaka surpresa pa don, sila ang high members ng meraki.
Walang grupo ang hindi kilala ang meraki dahil nga masasabi mo talagang malakas sila. Pero never pang nakalaban ng namic ang meraki.
Hindi basta basta ang grupo nila dahil maraming gangs ang nag sasabi na talaga ngang iba sila. Never pang nag reveal ng faces ang kahit sino sakanila. Kahit mga tauhan ay hindi pinapakita ang mga mukha nila tuwing nakikipag laban.
Sa nakikita ko ay si Ria ang leader ng group nila at hindi ko maikakailang nakakabilib siya ngayon.
Kaya pala pinapanatili nilang low key ang profile nila sa labas dahil sa likod non ay matataas talaga sila.
Mukhang magiging interesting ang gabi ng lahat HAHAHA.
Patago kong nilabas ang phone ko para mag text.
to boss: Boss kailangan mong bumalik ngayon na.
Ilang segundo lang ay nag vibrate na ang phone ko.
Boss: Bakit? Ano na namang kalokohan yan?
to boss: Sinugod tayo ng meraki.
boss: WHAT?! MERAKI? I'll be there in 5 mins.
to boss: Hindi ka makakapaniwala sa makikita mo.
Hindi na niya yon sineen dahil sigurado akong nag mamadali na yon ngayon.
Nilagay ko na ulit sa bulsa ko yung phone ko ng hindi nila nahahalata.
"So this is namic?" sambit ni ria "I'm getting more curious." iiling iling niyang sabi. "Are you the leader?" turo niya kay blaise.
"Nope" confident na sagot niya tsaka tumingin sakin habang nakangiti.
Sa mga ngiti pa lang ng mokong na to alam kong parehas kami ng iniisip ngayon. Paniguradong nabigla din siya pero hindi niya yon ipinahalata.
"Is it you?" turo sakin ria.
"Nope" nakangiti kong sagot.
~bang!~
napaatras ang lahat ng mag paputok siya sa ere.
Ibang ria ang nakikita naming lahat ngayon. Kung gano siya ka fierce kapag hindi siya nag papaka gangster, triplehin niyo pa yon.
Isa lang ang masasabi ko sakanya.
She's really cool.
"Mukha ba kong nakikipag biruan?" sarcastic niyang sabi.
"WHY THE HELL ARE Y'ALL HERE?"
"BOSS!" sigaw ng isa naming tauhan.
dumating na siya...
Lahat ay napaharap sa pintuan ng galit na bumungad si boss.
Napahinto siya sa pag lalakad niya ng makita niya ang meraki.
Everyone right now >> OoO
"R-ria? A-anong ginagawa niyo dito?" kitang kita ko sa mga mata ni boss na hindi siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon.