Asteria's pov
"Good morning!" bati ko sakanya. niyakap ko siya ng mahigpit tsaka hinalikan sa pisngi.
"Ang aga mo naman yata maging clingy" biro niya.
"I just wanna hug you bakit ba. I wanna hug you as long as I can hehe" taka siyang tumingin sakin tsaka ko hinalikan sa noo.
"You're being weird. Let's eat" sabay kami kumain habang ako nakatitig sakanya. "Hoy anong trip mo? You're acting weird"
"It's our 4th day here! How was my tour so far? Are you happy?"
"Okay naman. I liked everything except the cave"
"Yah!"
"HAHA i'm just kidding"
--
"Where are we going?" tanong niya. Hapon na ngayon at we're on our way to go Gangwon-do. Gangwon is a mountainous, forested province in northeast South Korea.
"We are going to go skiing"
"Skiing?!" gulat na gulat na tanong niya.
"Why? Hindi ka ba nakakapag ski?"
"N-nakapag ski na"
"What's wrong?" mukhang hindi siya okay sa pupuntahan namin dahil sa reaction niya. "Are you okay?"
"A-ahh... I don't know. The last time I went skiing..." nahinto siya saglit kaya mas lalo akong na curious.
"What happened?"
"My friend got into an accident." mukhang malungkot siya, mukhang hindi magandang idea ang skiing. Pero ilang minuto na lang ay nandun na kami.
"I'm sorry, I didn't know" ayoko namang masayang ang pag punta namin. Lumibot kami sa buong place at buti na lang ay may nakita akong sky cable. Dahil nga hindi kami makakapag ski, wala kaming choice kundi mag sky cable na lang.
Nag start na kaming sumakay pareho.
"Wah. Ang ganda" manghang tugon niya. Mula sa sinasakyan namin ay kita ang puro yelong paligid at sunset. Habang ineenjoy niya yung view ako naman ineenjoy pag masdan yung maamo niyang mukha. Maya maya ay napansin niya na parang naka titig ako sakanya. "Why? May something ba sa mukha ko?"
"Meron"
"Huh? San?" kinapa kapa niya ang mukha niya para tignan kung meron nga. bahagya kong natawa sa ginawa niya.
"Dito oh" hinawakan ko siya sa pisngi sabay halik sa labi niya. Ilang segundo lang yun tumagal at kusa na rin kaming bumitaw. Ngumiti ako sakanya at hinawi ang buhok niya habang siya ay nakatingin lang ng deretso sa mga mata ko. "Wag mong ibigay yang tingin na yan sa iba ha" nakangiti ngunit seryoso kong sambit.
"I won't. You're the only one I can see anyways" tsk, edi ako na hehe.
"Good." pagtapos ng ilang minuto ay nakarating na kami sa kabilang side. Gabi na rin kaya napag desisyunan namin na umuwi na.
--
Pag kauwi namin ay inaya ko siyang manood ng movie sa mini theater dito sa bahay bago kami matulog. The witch ang pinapanood namin ngayon. Korean movie ni Kim Da-mi, ito yung favorite movie ko and fav actress ko din si Da-mi kaya kahit ilang beses ko ng napanood, papanoorin ko pa rin hehezz.
Ang unique lang nung story niya tapos ang cool ng character.
Sa kalagitnaan ng movie ay biglang ng ring ang phone ko.
~Uniko calling~
"Noona"
"What's up?"