Lesson

15 4 0
                                    

Asteria's pov

After ng proposal ni wael ay bumalik na kami sa Pilipinas. Syempre, pareho kaming may kailangan pang gawin at mamaya ay may reunion ang Namic and Meraki.

Hindi ko pa nadadalaw sila Vali dahil kay Wael agad ako dumeretso pag dating ko ng Pilipinas. Kinagabihan ay sabay kaming pumunta ni Wael sa Kele, kung saan gaganapin yung reunion.

"Owemji! Am I dreaming?" bungad samin ni Ciara. "Ria!" tumakbo papalapit sakin at niyakap ako. "I missed you so much! Bakit ang tagal mong bumalik?"

"HAHA marami pang inasikaso"

"It's good to see na mag kasama na ulit kayo."

"Thanks."

"Ohh the bosses" bungad ni Vali ng makalapit siya samin. Niyakap niya ko at pinat ako sa ulo. "I missed you"

"Tss, di kita namiss" pang aasar ko sakanya.

"Hindi ka na kapunta sa kasal namin, sayang naman!" malungkot na sabi ni ciara.

"Oo nga, bawi na lang ako sainyo. Where's levi?"

"Ahh iniwan muna namin saglit kila Mom. Alam mo naman first time nila mag ka apo kaya halos ang angkinin na nila yung anak namin HAHAHA" biro ni vali.

"Congrats sainyo" bati sakanila ni wael.

Nang makarating ang lahat ay nag kainan, inuman at kwentuhan kami tungkol sa mga naging buhay namin after mabuwag ang grupo namin.

Ang bilis ng panahon. Sila Vali at Ciara may anak na. At yung iba naman may matataas na position sa mga trabaho nila. Good to hear na lahat kami naging successful.

"May gusto akong sabihin sainyo" sambit ko. Lahat naman sila ay napaseryo.

"Parang nakakatakot naman yang sasabihin mo."

"Wag mong sabihing aalis ka na naman"

"HAHA hindi." natawa naman ako sa mga reaction nila.

"What is it?"

"We're engaged" lahat sila ay nanlaki ang mata at gulat na gulat ng sabihin ko yun. Pati si wael ay hindi inasahang sasabihin ko yun ngayon.

"OMG!!"

"KELAN PA?!"

"PANO SIYA NAG PROPOSE SAYO?!"

HAHA mas mukha pang excited si esma at ciara sakin.

"Congrats!" bati nila samin.

"Thank you" sagot ni wael.

Wael's pov

Habang nag kkwentuhan yung iba sa loob ay naisipan ko munang mag pahangin. Maya maya ay sumunod sakin palabas si horiz.

"Uy, kamusta?" bati ko sakanya.

"Better" nakangiting sagot niya.

"Mukhang masaya ka ah"

"Actually..."

"Oh?"

"I want to have your permission" nag taka naman ako kung para saan.

"Permission?"

"Can I court your sister?"

O_O ....

Did I hear it right?

"Si Yana?!"

"Malamang, may iba ka pa bang kapatid"

"Tss HAHAHA. Hindi ko alam na close kayong dalawa. Kelan mo pa siya nagustuhan?"

Gangsters do fall in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon