Crazy

18 3 0
                                    

Wael's pov

"Ikaw? Pano ka nag simula?" tanong niya.

"hmm... pano nga ba? HAHA alam mo kasi kapag matagal ka ng nasa labanan eventually makakalimutan mo na kung ano nga bang pinaglalaban mo."

"What do you mean?" taka siyang tumingin sakin.

"Hindi ko na rin masiyadong maalala kung pano ako nag simula e. Basta ang alam ko lang puno ng masasakit na memories ang nakaraan ko. then namic the last thing i remember I already made namic." habang sinasabi ko yon ay medyo gumaan ang pakiramdam ko.

Pakiramdam ko ay unti unti kong nailalabas lahat ng hindi ko magawang ilabas noon. Masarap sa pakiramdam na may taong kaya mong maging ikaw sa harap niya.

"Throw those shits away" may tawa pero alam mong seryoso niyang sabi. "Lagi kang sa present at future tumingin. Kasi kung paulit ulit mo lang babalikan yung panget mong nakaraan..." huminto siya saglit at humithit sa sigarilyo niya. " Wala kang ibang mararanasan kundi puro sakit lang. Nagagawa mong tumawa pero alam mo sa sarili mong hindi ka naman talaga masaya. So you better forget about your past and start living your life like how you want to."

OoO

Ako lang ba o talagang magaling siya pag dating sa ganyan?

Napangiti ako sa mga sinabi niya at kahit papano ay mas gumaan pa ang loob ko. Hindi ka nabigong pagaanin ang pakiramdam ko ria. Sa mga panahong kailangan ko ng kausap ikaw yung nandiyan. I'm really luck to have bestfriend like you.

"Btw, Sorry nga pala sa nangyari kay esma. My people are my responsibilities so I'm really sorry." sincere kong sorry sakanya.

"Hindi ko nagustuhan yung nangyari sa kapatid ko." seryoso niyang sabi. "Pero kasama kita sa mga oras na nangyari yun kaya sa susunod mas turuan mo pa kung pano gumalang yang mga bata mo"

"Tinanggal ko na si birch sa namic" hindi siya nag react sa sinabi ko pero alam kong nasa isip niya na tama lang na ginawa ko yon.

"Masiyado nang late. Umuwi na tayo" aya niya tsaka sumakay ng kotse.

Kita ko sakanyang pagod na siya kaya naman ako na ang nag maneho pauwi.
Hinatid ko na muna siya pauwi sakanila.

"Goodnight" sambit ko at ngitian siya.

"Sige ingat ka"

Pagka tapos non ay umuwi na rin ako.

Naligo ako pagkauwi ko. Pagka ligo ko ay binagsak ko na ang katawan ko sa kama na kanina ko pa gustong gustong gawin.

Hayy...

Masiyadong maraming nangyayari. Masyadong mabilis ang panahon. Parang kelan lang ay isa lang kaming strangers sa isat isa. Sino ba namang mag aakala na siya yung taong magiging nandyan tuwing kailangan ko ng kasama.

*Monday*

~kring!! kring!! kring!!~

Iminulat ko ang mga mata ko ng marinig ko ang alarm. Ayoko pang bumangon shet! Kahit anong pilit kong ibangon ang katawan ko ay kusa pa rin akong hinahatak pabalik ng kama.

Gangsters do fall in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon