Asteria's pov
Pag dating namin sa mall dumeretso na kami agad sa national. Kumuha ako ng basket pero si wael ang nag insist na mag hawak. Habang si maze naman tumitingin tingin lang ng mga gamit.
Talagang pipiliin niyang mabored makasama lang tong lalaking to? Tsk. Iba rin talaga. Pero nakakalungkot mang isipin hindi niya hawak yung future niya. In the end, sa taong hindi niya gusto siya mapupunta.
"Ano bang mga kailangan mo?" tanong ni wael.
"Ewan ko rin"
"What? Bat tayo nandito?"
"Malamang bibili, shunga ka ba?" binatukan ko siya kaya naman sinamaan niya ko ng tingin. Buti nga HAHA. Ano bang ginagawa dito, malamang bumibili.
"Hoy nakakadalawa ka na ha!"
"Bakit angal ka?"
"Hh!"
"Hh ka rin" bleh.
"Mag kaibigan lang kayo diba?" pareho kaming napa lingon kay maze ng itanong niya yun. nag katinginan kami ni wael at sabay natigilan.
"BWAHAHAHAHAHAHAHA!" napahawak na ko sa tiyan kakatawa. HAHAHA anong klaseng tanong ba yan maze?
"Bat mo naman natanong?" namumula na si wael sa kakatawa pero si maze taka lang na tumingin samin.
"Nevermind" seryoso ang mukha niya tsaka nag lakad papalayo. Ano bang trip nun?
Pag lingon ko sa entrance may nakita akong isang lalaking naka sumbrero. Nakatingin siya sakin pero nung nag tama ang paningin namin ay bigla siyang umiwas.
Weird.
Nag patuloy na lang kaming mamili ng mga materials. Kung ano ano na lang kinuha ko para sure HAHA. Inabot din kami ng halos kalahating oras sa pamimili. After namin bumili ng mga materials nag punta kami sa starbucks. Syempre libre na rin para sa pag sama nila sakin.
"Good evening ma'am, sir. Can I take your order?"
"Can I get 2 white chocolate mocha and... Maze?"
"1 caramel ribbon crunch for me hehe"
"Okay po"
"Thanks"
"Di ko alam na pwede ka na pala mag coffee?" napatingin sakin si si wael dahil sa tanong ni maze. Di ko pala nasabi sakanya yung tungkol dun, ays lang di naman importante.
"Ahh pwede na last year pa"
"Why?" sabat ni wael. tss, kalalaking tao napaka chismoso.
"Basta" diba yan din sinabi mo sakin kanina? quits na tayo HAHAHA.
Napalingon ako sa kabilang table. Nahuli ko na namang may nakatingin samin. Ibang lalaki na pero naka sumbrero din. Iniiwas niya agad yung tingin niya ng mahuli ko siya. Napasinghal nalang ako ng naka ngisi. What is it this time?
"Mag c-cr lang ako" tumayo ako para pumunta sa cr. Habang nag lalakad ko ay tinignan ko yung lalaki mula sa reflection ng phone ko.
Tsk. Mukhang ako nga talaga pakay ah. Nag hilamos ako tsaka tinali yung buhok. Wala pang limang minuto ay bumalik na rin ako sa table namin.
"Let's go?" pasimple kong nilagay sa bulsa ni maze yung taser. Sinenyasan ko si wael at agad naman niya yun na nagets.
Payapa kaming naka punta ng parking lot. Bubuksan ko pa lang yung pinto ng biglang may lalaking pumalibot samin.
"Walang gagalaw!" nanlaki ang mga mata ni maze ng isigaw yun ng isang lalaki. Lima sila. Hindi pamilyar ang kahit na sino sakanila. "Taas kamay!"
"AHH!" sigaw ni maze.