Ciara's pov
Second day na! Ngayon na mag sstart yung sports. Sa frisbee ako sumali kasi mas gusto ko tong laruin kesa sa basketball. Ewan ko nga kay ria e. Sa sobrang close niya dun sa mga lalaki pati siya nahawaan ng pagkakagusto sa basketball.
Well para sa babae oo magaling siya. Actually feeling ko nga lalaki talaga yon na nag katawang babae. Chour! HAHA take a joke guys.
So yun nga. Mamaya na yung start ng frisbee lahat sila panonoori yung game ko. Buti nga iba ibang day yung mga sports namin kaya mapapa nood namin yung bawat isa.
"Babe are you ready?"
"Yeah, why?"
"Anong why ka jan kumain ka na muna para may energy ka mamaya"
"Mamaya na lang wala pa kong gana"
"Isa."
"Mamaya na nga lang promise kakain ako"
"Dalawa." napaka strict talaga netong jowa ko na to pag dating sa pag kain. Hindi naman ako mamamatay sa hindi pag kain ng isang beses. tsk tsk tsk.
"Babe, mamaya nga kakain--" hindi na niya ko pinag patuloy mag salita. Binuhat niya ko palabas ng kwarto. "Babe ano bang ginagawa mo? Ibaba mo nga ko!" hindi man lang niya ko pinansin. Pag baba namin ay inupo niya ko sa harap ng table na naka prepare na yung food.
Hayst. May choice pa ba ko?
"Kain. Hindi ka pwedeng mag kasakit"
"Ang oa mo babe. Walang namamatay sa ganon"
"Shh kain!" eto na nga po diba?
"Ikaw hindi ka kakain?"
"Pag nakita kong nakasubo ka na kakain na rin ako" ay wao ang arte naman nito. Sumandok ako ng isang kutsarang rice with egg at sinubo yon.
"Okay na? Happy?"
"Good" mas umokay na yung aura nya kesa kanina HAHA. Napharap naman ako sa may bandang gilid at nandun si horiz at ria nakatayo habang nakatingin samin ng parang ewan.
"What the hell are you guys doing?"
"Wah! I hate this house now! Full of mag jojowa!"
Pft. HAHAHAHA. Mga bitter tong mga to! Lumabas sila ng kitchen na iritang irita samin. Bahala kayo maumay BWAHAHA! Mag jowa na rin kasi kayo hindi nakakamatay guys you know?
"Anong oras game mo?" tanong ni vali.
"2pm"
"Madami ka pa palang time"
"Oh ano naman?" ngumiti siya sakin ng malapad na parang may binabalak.
"Hehe. Ikaw mag hugas ah?"
pota.
Binatukan ko siya ng malakas na malakas.
"Joke lang! Easy ka lang naman HAHA" abno!
"Oh tapos na ko! Iidlip muna ko"
"Tabi tayo? hehe"
"Tabi mo mukha mo! Wag mo kong guguluhin ha gisingin mo lang ako pag aalis na" sumimangot siya sakin tapos nag puppy eyes. Tss, hindi mo ko makukuha sa paganyan ganyan mo.
"Sleep well" kiniss niya ko sa noo tsaka ako umakyat sa kwarto ko. Hays sarap matulog.
Narinig kong bumukas yung pintuan at alam ko na agad kung sino yun. Ang kulit naman ng lalaking to e. Kahit naka talikod ako, nararamdaman kong papalapit siya sakin. Maya maya lang tumabi siya sakin tsaka yumakap.