Mine

28 4 0
                                    

Asteria's pov.

Dalawang buwan na ang nakalipas simula nung makipag break ako kay lace. Nag kikita parin kami sa school dahil di naman yon maiiwasan kasi nasa iisang klase lang kami.

Wael and I got closer. We often hang out and masasabi ko na when I'm with him, I feel comfortable. He's my bestfriend now.

Pero hindi ko pwedeng sabihin sakanya ang meraki. May mga bagay na gustohin man nating sabihin, hindi parin mawawala yung thinking na baka once na sinabi ko yun ay mag bago ang lahat.

"Ate!" tawag sakin ni esma.

"What?"

"Aalis lang ako"

"Where to?"

"Birch asked me to go the park"

"WHAT?!" lahat kami ay napatakip sa tenga dahil sa sobrang lakas na sigaw ni quan.

"Ano ba! bingi ka ba! ang lapit lapit ko lang kailangan mo pa kong sigawan!" inis na sabi ni esma

HAHA jelly.

"Sige take care. Umuwi ka ng maaga" sambit ko. nanlaki naman ang mga mata ni quan ng sabihin ko yon.

Ang tagal mo naman kasing gumawa ng move baby bro hahaha. Naunahan ka tuloy.

"Bye guys" paalam niya samin.

Bumalik ako sa kwarto ko pag kaalis ni esma. wala kong magawa ngayon. nakakamatay yung kaboringan.

~ringgg!!!~

Kinuha ko yung phone ko ng mag ring yon.

"Ano?" bungad ko kay wael ng sagutin ko yung tawag niya.

"You doing something?"

"Wala bakit?"

"Wanna hang out?"

"Ays lang"

"I'll be there at 6"

"Gege"

Pag ka end ko ng call ay nag bihis na ko. Naka jogger lang ako na black tapos gray na hoodie.

Ilang minuto lang ay nag text na si wael na nasa tapat na siya ng bahay kaya naman bumaba na rin ako.

"Alis lang ako" paalam ko kay vali na naka upo sa sofa.

"What?!"

"Anong what? Aalis ako kako"

"B-bakit aalis ka rin?"

"Eh bakit ba?"

"Wala na nga yung tatlo aalis ka pa?" dismayadong sabi niya.

"Bakit nga?"

"Iiwan niyo ko ng yung babaeng yon lang ang kasama ko?!"

"Chill, mukha namang walang balak lumabas si ciara e. Ge sibat na ko"

Alam kong ayaw niya kong paalis pero wala naman siyang magagawa.

Pag labas ko ay naka abang na si wael sa kotse niya kaya pumasok na rin ako don.

"San punta?" tanong ko.

"You'll see" nakangiti niyang sabi na parang pa suspense pa.

"tch." singhal ko

Nag simula na siyang mag drive at pareho lang kaming tahimik habang nasa biyahe. Pinikit ko na lang muna yung mga mata ko dahil nakaramdam ako bigla ng antok.

Vali's pov

Dalawa lang kami ngayon ni Ciara dito sa bahay dahil lumabas yung apat.

Hindi mapakali yung isip ko pero sinusubukan kong pakalmahin. Simula kasi nung sinabihan ko siya na I'll leave her alone ay hindi na kami ganun na nag pansinan.

Gangsters do fall in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon