Namic

26 4 0
                                    


Esma's pov

"Let's go!" dinala ako palabas ng bar ni quan habang hila hila niya ko sa kamay.

Sobrang galit na galit ang itsura niya na kala mo siya yung sinaktan. Maya maya lang ay sinakay niya ko sa kotse niya kasama si horiz at nag drive pauwi.

Wala ni isa samin ang kumibo buong biyahe.

Nang makarating kami sa bahay ay dumeretso si quan papuntang kusina.

Pag balik niya ay may dala siyang isang basong tubig at first aid kit. Inabot niya sakin yon tsaka nag simulang gamutin ang sugat ko.

Sobrang seryoso ng mukha niya at hanggang ngayon ay hindi parin siya kumikibo.

"Bat di ka lumaban?" seryosong tanong niya.

"Sinubukan kong kausapin siya ng maayos pero sinampal niya ko agad"

Huminga muna siyang malalim bago mag salita.

"Para san pang tinuruan kang makipaglaban kung hindi mo naman kayang proteksyonan yang sarili mo?" inis pero kalmado niyang sabi

"Bakit ba sakin ka nagagalit? Ako ba sumampal sa sarili ko? Ginusto ko ba yon?"

"Omg esma! What happened to your face?" pareho kaming napalingon ng bumaba si ciara kasama si kuya vali.

"Anong nangyari bat may pasa ka?" alalang tanong ni kuya.

"I'm okay"

"Okay? Ang laki laki ng pasa mo oh!" sabat ni vali

"Ano ba kasing nangyari?"

~flashback~

pinapunta ako ni birch sa park dahil gusto niya daw makipag kita. Pag dating ko don ay naabutan ko siyang naka upo sa bench.

"Hi" bati ko sakanya

"Uy nandiyan ka na pala"

Ay hindi. Doppelgänger ko lang to.

"Bat mo nga pala ko pinapunta?"

"Hmm wala lang. hang out?"

"Ahh ano namang gagawin natin dito?"

"Actually hindi talaga tayo dito tatambay"

"Huh? Saan?"

"Tara"

Sinundan ko lang siya papunta sa kotse niya. Pinaandar niya yung kotse at ilang minuto lang ay huminto na rin kami.

Haze?

Anong ginagawa namin dito? Pumupunta lang ako dito kapag kasama sila ate or sila kuya vali.

"uhm anong ginagawa natin dito?"

"Boring naman kung sa park lang tayo tatambay diba? C'mon!" aya niya sakin

Hindi ko ganon ka bet pero sumunod na lang ako sakanya pumasok.

"Uy pre" bati niya dun sa dalawang lalaki. yung mga katawan nila parang mga gangster. basta medyo nakakatakot.

"Sino yan tol?" tanong nung isang lalaki

"Ahh hi! I'm esma" pakilala ko sakanila

Gangsters do fall in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon