Smoke

20 3 0
                                    

Asteria's pov

Last quarter na pero kaming mga girls pa rin ang lamang. Masasabi kong masaya ang larong to. Kita ko rin sa mga ka team ko na sobrang saya nila kada may makaka shoot samin. Isang minuto na lang ang natitira kaya mas umiinit na ang laban.

Boys ang may hawak ng bola ngayon. Binabantayang maigi ni cindy si blaise. hindi ko maitatangging magaling si wael mag laro.

Seryoso ang mukha niya pero pag binabantayan ko siya ay lagi siyang nakangiti.

may sapak kaya yon?

30 seconds left.

Biglang pinasa sakin ni cindy yung bola kaya muntikan na itong madulas sa kamay ko at maagaw ni wael.

shet!

Isho-shoot ko na sana yung bola pero na block yun ni wael. napalakas ng konti yung block niya kaya na out of balance ako at napakapit kay wael. Pag kakapit ko sakanya ay nahatak ko siya pababa kaya ngayon ay pareho na kaming natumba.

Hindi naging ganon ka sakit ang pag bagsak ko dahil hinarang ni wael ang ulo ko mula sa sahig gamit yung braso niya. Agad namang lumapit samin yung mga ka team namin.

"Omg ria! Are you okay?" alalang tanong ni ciara.

"Ayos ka lang ba?" si vali.

Naunang tumayo si wael. Kaya naman umupo na rin ako. Hindi ko pa ganong magalaw yung hips ko dahil mukha yon ang napalakas ng bagsak. Maya maya lang ay may kamay na nasa harap ko. Inabot ko na lang yon tsaka tumayo ng maayos para ayusin yung damit ko.

"Nice game" nakangising sabi ko kay wael tsaka nag lakad na palabas ng gym. Saktong pag labas ko naman ay nakasalubong ko si lace.

"Babe!" masayang bati niya sakin. "What's wrong with your look? Sobrang pawis ka and naka jersey ka pang lumabas ng gym?"

B-babe? Tinignan ko ang sarili ko. Ay punyemas! hindi pa nga pala ko nakapag ayos ng sarili tas puro pawis pa ko.

"Here-" nilabas niya yung panyo niya pagka tapos ay pinunasan yung pawis ko. hindi ko alam kung anong irereact ko ngayon shems!

"Owemjiii!! Ang sweet naman nila" sigaw nung isang babae. Natawa lang si lace dun sa mga babae pero patuloy lang siyang nag pupunas ng pawis ko.

"Are you hungry?" tanong niya.

"Medyo, tara sabay ka na samin mag lunch" aya ko sakanya

"Okay" ngumiti siya sakin tapos kinuha yung kanang kamay ko. Hawak hawak niya yon hanggang sa makarating kami sa cafeteria.

"Ohhh the lovers are here" asar ni quan

"Vali" tawag ko sakanya. "He's lace" hindi sana siya sasagot pero sinenyasan ko siya ng 'Be nice'

"I'm vali."

"Hi nice to meet you. Everyone knows about all of you no need to introduce HAHA"

Huh? hindi ko yun alam ah. Mas pinipili namin maging low key dahil ayaw naming maging center of attention pero di ko alam na kilala parin kami.

"Bat naka jersey ka pa?" tanong ni horiz

"Gutom na ko, after na lang kumain"

"hmm so..." sabat ni ciara. "What do you like about ria? when did you start liking her? How?" Nilakihan ko ng mata si ciara kaya napatahimik siya pero nag pipigil pa rin ng tawa.

May saltik talaga tong babaeng to. Harap harapan daw ba talaga e.

"Actually I like her personality. Dahil nasa iisang class lang naman tayo araw araw kong siyang nakikita. She's really cool as a person. I started liking her since nung nakikipag sagutan siya with ms. loya. I don't know and it may sound weird pero she's really attractive everytime she does something"

Gangsters do fall in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon