Intrams part 3

22 4 0
                                    

Asteria's pov

Nagising ako sa tunog ng alarm ko. Hindi ko feel bumangon ngayon. Wala ko sa mood gumalaw o gumawa ng kahit ano. Wala kong gana. Pero shet may game kami ngayon. Bakit ba kasi kailangan pa ngayon ganapin yun.

Uh! Ayoko pumunta kahit san. Dahil wala naman akong choice, bumangon na rin ako and nag prepare. Medyo huli pa yung game ko kaya pwedeng pwede lang akong mag pa late pumasok. Bumaba ako pero wala ng mga tao. For sure nauna na silang lahat dahil may mga game din sila.

Pag tapos kong mag ayos, hindi na ko kumain. Dumeretso na ko sa kotse ko tsaka nag drive papuntang school. Nasa parking lot pa lang ako, rinig na rinig ko na yung mga tilian na nang gagaling sa gym.

Pag pasok ko ng gym, bande bandera yung mga taong nanonood. Pati yata outsider meron sa sobrang daming tao. Dumeretso ako sa locker room para mag bihis. Saktong pag labas ko ng locker room ay nag simula na ang game. Namic at meraki ay iisang grupo lang. At isa na don si wael.

Mula sa malayo ay pinapanood ko siya. He's good at basketball. Malakas yung aura niya when he's playing. Napuno ang gym ng mga hiyawan ng mga nanonood. Halos lahat yata si wael dinayo. Tch, famous. Nakita ko naman bigla si maze na todo ang pag chcheer para kay wael. May banner pang dala. Nakakainit ng dugo pag nakikita ko siya, tsk.

Anyway, binalik ko na yung attention ko sa mga nag lalaro. Base sa nakikita ko, 99% sure akong team nila ang mananalo.

"Huy ria, bat nanjan ka?" biglang sumulpot kung saan si ciara.

"Bakit?"

"Bakit hindi ka umupo dun sa bench nila?"

"Jowa ba ko?" tumawa lang siya.

"psh! kayo na nga pala yung last na mag lalaro diba?"

"Yeah"

"Goodluck! Uupo lang ako dun" tinanguan ko siya tsaka siya umalis.

Pag balik ko ng tingin sakanila ay hawak na ni wael yung bola. Nasa tres siya habang dini dribble yung bola. Bigla naman siyang napa tingin sa gawi ko, I mean sakin mismo. Ilang segundo kaming nag katinginan, tsaka niya shinoot yung bola.

Malakas na nag hiyawan ang mga tao. bakit parang bumilis yung tibok ng puso ko? Anong ibig sabihin ng tingin na yun? Hindi siya nakangiti or kahit ano, blangko ang mukha niya at walang emosyon ang mga mata.

~engkkkkkk!!~

Tapos na ang game nila pero ako nanatiling nakatulala. What the hell am I feeling right now?

Lahat sila ay deretsong locker kaya madadaanan nila ko. Isa isa na silang nadadaanan ako, hanggang sa papalapit na siya. Saglit lang siyang tumingin sakin pero wala pa ring emosyon. Inalis niya ang tingin niya sakin at dumeretso lang papasok ng locker room na parang hindi niya ko kilala.

Fvck.

What the hell was that?

"RIA!" nakatingin lang ako kay coach, hindi ako makapag salita. Iniwan akong tulala ng lalaking yon. shit. I can't be distracted, not now. "Ria are you okay?" muling tanong ni coach.

No coach. I'm not.

"Kung hindi ka okay, pwede naman--"

"I'll play, coach"

"Are you sure?"

"Yes, coach"

Pumasok na ko ng court. Malakas ang sigawan na naririnig ko pero hindi ko magawang tumingin sa paligid. Hindi ko maintindihan pero naiinis at nasasaktan ako ngayon. Ayokong tumingin kahit saan kundi sa bola at ring lang.

Gangsters do fall in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon