Asteria's pov
"How was your sleep?" bungad ko sakanya ng bumaba siya galing kwarto na bagong gising. Potangena, bakit mas gwapo ka pag bagong gising! nyeta.
"Why didn't you wake me up? It's almost midnight"
"HAHA wao ha, eh enjoy na enjoy mo tulog mo bakit ko naman sisirain? Let's eat" umupo na kami at marami ng naka prepare na pagkain. "Kapag di mo kaya yung anghang, hmm... tiisin mo na lang HAHAHA"
"Thanks for reminding me, helpful grabe" sarcastic niyang sabi. tinikman ko muna yung soft tofu stew or in korean 'sundubu Jjigae'.
"Oks naman siya, hindi ganon ka anghang try mo" tinry niya yung soup na yon at agad na naubo.
"Yan ba yung ehem! hindi maanghang sayo?" HAHA laptrip sa itsura niyang pulang pula.
"Sarap diba?" pang aasar ko pa. Inabutan ko na lang siya ng fried chicken dahil mukhang hindi na niya kakayanin yung iba. After namin kumain ay pinag pahinga ko na siya dahil marami pa kaming gagawin at pupuntahan kaya kailangan niya ng energy.
Syemps magkaiba kami ng kwarto kasi dalagang pilipino po yung jowa ko. Hays, tao pala talaga ko, pagod na pagod na ko kaya the next thing na naalala ko na lang ay nakatulog na ko.
--
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Shet! Bat parang pagod pa rin ako. Chineck ko yung oras at 3pm na?! Hindi ko naman masyadong sinulit yung tulog ko ha, di talaga.
Bumaba ako sa sala at naabutan ko si wael dun na nag kakape habang may tinitignan sa phone niya. Busy lang ser?
"Afternoon" bati ko sakanya.
"Ang haba ng tulog mo ah HAHA" syemps, kapagod kaya. "Are you hungry?"
"Hmm medj. But we are not eating here because I'm taking you somewhere"
"Where?"
"Basta mag ready ka na lang" pareho kaming nag ayos ng sarili namin tsaka lumabas para sumakay sa kotse. Nag simula na kaming bumiyahe at habang nasa biyahe ay nag kkwentuhan lang kami.
"Are you not gonna use GPS or something?"
"HAHA chill, I know where we're going."
"Seems like you really know korea well"
"Syemps, pag kinasanayan mo na, basic na lang sayo"
"Then be my tour guide" nakangiting sabi niya. Almost 3 hours din ang biyahe namin and nakarating na rin kami.
"Welcome to busan" sambit ko sakanya.
"Like train to busan?" tsk. HAHA kunwari pang hindi nanonood to.
"Oo HAHA. Tara!" dinala ko siya sa place na sunod sunod ang bilihan ng street foods. Shems, nag lalaway na ko. Gusto ko na matikman isa isa! Sinave ko talaga yung tiyan ko for this.
"Here try this dakkochi" inabot ko sakanya yung isang stick.
"What's this?"
"chicken and scallions na grilled. Bilis! Try mo na, masarap yan" tinikman niya yun at ako naman nag aabang sa comment niya.
"It's good"
"Syemps, I only eat good food HAHAHA" next na binigay ko naman sakanya is yung Tteokbokki. Syempre nag prepare ako ng tubig dahil mukhang kakailanganin niya after HAHA, weak wael! Kinain niya yun at hindi ako nag kamali, AHAHA naubo sya.
"Ehem! Buti nakakaya pa nila yung mga pag kain dito" reklamo niya tsaka uminom ng tubig.
"Sabi ko nga sayo, pag kinasanayan mo na, basic na lang sayo. Aba wag mong sabihing suko ka na agad?"