Wael's pov
3 years later...
"Sir, you have a meeting with Sieras at 2pm and with Jb's at 7pm"
"Okay, anything else?"
"No sir, that's your only schedule for today"
"Good"
"Thank you, sir" nag bow siya sakin at lumabas.
It's been a while and I have my own company now. I own malls in different cities. I am now the owner and the CEO of Namic Corp.
Yes, I named Namic after my group before. Marami ng nag bago, mas naging busy, mas marami ng priorities. Meeting dito, Meeting don. All I do now is to work.
After ng mga meetings na pinuntahan ko ay bumalik na ko sa office.
"Ahh sir, working late again?"
"Pwede namang hindi basta ikaw tatapos ng mga to kath"
"Hehe sabi ko nga po sir goodluck e. Una na po ako" she's kath, my secretary since I started this business. Sanay na siya sa ugali ko at alam niya na rin ang takbo ng buhay ko.
Hayst, isinandal ko ang katawan ko at pumikit. I feel so tired.
"Sir York" napamulat ako ng biglang pumasok si blaise. "Tss, para san pa yung kama mo sa bahay kung ginagawa mong tulugan tong opisina mo?"
"Why are you here?"
"Wanna drink?"
"Nah, pass ako. I still have things to do"
"Wow, you've really changed. Naging boring na nilalang ka na. Dati halos 80 percent ng katawan mo alak, samantalang ngayon trabaho?"
"That's all in the past, umuwi ka na nga lang"
"Okay, ikaw din try mo"
"Tch. Sige na umuwi ka na" at umalis na siya. Napabuntong hininga na lang ako. Tumayo ako at tumingin sa baba. Clear ang mga wall ng building kaya kitang kita mo ang labas at kung gano kataas.
Pumunta ako ng parking lot at pinaandar ang kotse ko ng mabilis. Tuwing gantong oras ako pumupunta sa lugar na yon dahil tuwing gantong oras ako tinatamaan ng sakit. Hanggang ngayon wala pa rin siya. 4 years na, apat na taon na ang nakalipas simula ng magising ako at wala ka sa tabi ko.
Nag sindi ako ng isang stick at inalala ang mga memories namin dito sa lugar na to. Apat na taon na pero nanatiling ikaw pa rin. Babalik ka pa ba? At sa pag balik mo, ako pa rin ba ang dahilan? naramdaman ko na lang na may mga luhang pumapatak mula sa mga mata ko.
"I can't get used to it"
--
"Sir okay lang po ba kayo? Namamaga po mata niyo"
"Puyat lang siguro to"
"Eh sir sabi ko naman po kasi sainyo wag na kayong mag pa late gabi gabi"
"Give me 30 mins. tsaka mo na sabihin mga sasabihin mo"
"Ahh kasi po sir--"
"Kath"
"Sabi ko nga po after 30 mins. na lang e" pag labas niya ay hiniga ko na agad ang sarili ko sa sofa. Hindi ako nakatulog ng matino dahil nga medyo natagalan ako sa pinuntahan ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at agad ding nakatulog.
--
"Sir... Sir... Sir!" aray! napamulat ako dahil sa malakas na sigaw na yon. "Sorry sir pero kesa Isang oras na po kayong natutulog."