Wael's pov
Mag tthree weeks na nung maging kami ni ria. Wala naman masiyadong nag bago samin except mas naging open kami sa isa't isa. I can be more sweet and syempre siya din. Kaso mas nadagdagan yung kabaliwan niya.
"Do you want to stay at your place?" tanong niya. oh diba? Ang hilig niya kong ayain na pumunta kami sa bahay ko kasi wala daw kaming kasama dun na iba. Hindi naman sa madumi ako mag isip pero ngayong kami na, wala ng malabong hindi mangyari. I respect her and as long as kaya ko, I want to respect her.
"No"
"Whyyyy not?! Never mo pa kong inaya sa bahay mo. Kung hindi pa ko sapilitang pupunta hindi mo talaga ko papapuntahin. May tinatago ka no?"
"Wala naman tayong gagawin dun. Tsaka wala akong tinatago" lumapit siya sakin tsaka ngumiti ng parang ewan.
"Hmm actually marami naman tayong pwedeng gawin sa bahay mo" binigyan niya ko ng nang aakit na look tapos pinulupot niya sakin yung dalawang kamay niya. Nanatiling seryoso lang akong nakatingin sakanya. "Tsk! Nevermind" bumitaw siya sa pag kaka hawak niya sakin tsaka bumalik sa pag kaka upo.
HAHAHA abnormal talaga tong babaeng to. Dahil sabado ngayon, ininvite niya ko dito sa bahay nila. Gusto niyang pumunta kami sa kwarto niya pero sabi ko dito na lang sa sala kaya ngayon nag iinarte siya.
"You wanna eat?" tanong niya.
"Kumain ako before pumunta dito"
"Tsk! ang korni naman e. Anong gagawin natin dito?"
"HAHA i don't know. You asked me to come here"
"ang korni amp" bulong niya pero narinig ko pa rin.
"Fine, Ano ba kasing gusto mong gawin?" mabilis na nag bago yung itsura niya, ngumiti siya sakin ng malapad.
"Sabihin mo munang papayag ka hehe" excited niyang sabi.
"Ano muna yun?"
"Sasabihin ko pag umagree ka"
"Pano ako aagree, hindi ko pa ng alam kung ano" nag pout siya tsaka kumunot ang noo. HAHAHA kyeopta.
"Nevermind. Tara na nga lang sa haze" aya niya. tumawa lang ako tsaka kami pumunta ng haze. Bukod sa namic and meraki ay wala ng ibang nakaka alam ng tungkol samin. Hindi sa tinatago namin pero hindi lang namin masiyadong tinotopic ang about samin.
We want to keep our relationship lowkey.
Dahil malapit lang sakanila itong haze, mabilis lang kaming nakarating. Hindi niya daw trip mag VIP ngayon kaya nandito lang kami sa table na kaharap ng bar tender.
"One sazerac for me" pinapanood ko lang siya habang umiinom. para siyang problemadong problemado sa inaasta niya ngayon HAHA. wala pang 15 minutes ay nakaka apat na sazerac na siya. "Why aren't you drinking?"
"Hmm, not thirsty"
"Whatever, sasayaw na nga lang ako" ang sungit niya pero ang cute niya parin tignan HAHA. Alam ko namang hindi talaga eto yung gusto niyang gawin pero I want her to be patient.
So ngayon, I'm sitting here at the same spot while watching her dancing. Kahit anong angle kitang tignan napaka ganda mo.
"Wael" napalingon ako ng may isang babaeng tumawag ng pangalan ko.
"Maze? What are you doing here?"
"It's a bar, duh. I can go whenever I want" hmm sabagay. umupo siya sa tabi ko tsaka umorder ng drink. "What's up? I haven't talked to you for quite some time"