Asteria's pov
Simula bumalik yung dalawa galing cr ay nag iba ang aura nila pareho. Hindi ko man alam ang nangyari pero sure akong mas okay na sila ngayon. Late na masiyado kaya bumalik na kami sa bahay.
"Did you have fun?" tanong ko sakanya.
"Oo naman. I guess we can't really judge a book by its cover" biro niya. Sabi ko na nga ba e HAHA mukhang nag usap nga yung dalawa. "Are you tired? Do you wanna sleep now?" tanong niya sakin. Lumapit ako sakanya at yinakap siya.
"You are my rest" seryosong sambit ko habang nakayakap sakanya.
"Why are you being too sweet these days? HAHA. I love you" tsaka nya ko hinalikan sa noo.
"Pahinga ka na"
"You too, goodnight" hinalikan niya ko sa pisngi at sumunod sa labi. "See you tomorrow" ngumiti ako sakanya tsaka pumasok na sa kwarto ko. Hindi ako masyadong napagod dahil kumain at uminom lang naman ang ginawa namin.
Hindi pa ko makatulog kaya naisipan kong tumambay muna sa veranda ng kwarto ko at mag yosi.
Tomorrow's our last day.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Mas naging malapit ako sakanya, mas lalo akong napamahal sakanya lalo na ngayong nag punta kami dito. Every time he kisses me, my heart skips a beat. Even the little things he does matter to me.
I wanna be with him all the time.
--
"Good morning" bati ko sakanya. tangina, wag kang mag papakita sa ibang babae pag bagong gising ha! akin lang yang look na yan hehe.
"Good morning, bakit ang aga mo nagising and bihis ka na agad?"
"Syemps. Pupunta tayo sa isa sa mga pinaka favorite kong lugar dito sa Korea"
"You look excited"
"Sige na, kumain ka na ng breakfast then aalis na tayo" ngumiti ako sakanya tsaka nag start na siyang kumilos.
--
"Wow" manghang manghang sambit niya. "Is this for real? A cruise at the top of a large cliff?"
"Ang cool diba?"
"Are we staying here for tonight?"
"Yup. Gagawin natin lahat ng pwedeng gawin jan sa hotel na yan HAHA" tinakpan niya ang katawan niya at nilayo sakin.
"A-Anong balak mo sakin?"
"Well we're staying in one room so I can do whatever I want HAHA" pang aasar ko sakanya.
"One room?! Plinano mo talaga to una pa lang no?"
"Hmm... maybe"
"Wah. You be really scary sometimes"
"Grabe ka naman, para namang may gagawin akong masama sayo"
"We'll never know" HAHA baliw!
--
Pumasok na kami sa hotel. Wah. Ang ganda ng view ng dagat galing dito. Ang ganda nitong hotel. Ang ganda pag masdan ng paligid. Lalo na tong kasama ko hehe.
Pumasok na kami sa kwarto na pinili ko. Una kong pinuntahan ang malaking glass na bintana. Shet! Sobrang ganda talaga ng dagat.
"Gusto mo mag swimming?" aya ko sakanya.
"Sa dagat?"
"Adik! Mag isa ka jan, ang lalim lalim niyan e"
"Ahh sorry naman. May pool sila dito?"