Wael's pov
Tinakpan ko ang bibig niya at pilit na ngumiti sa mga tao. Ano bang trip netong babaeng to at nag pakalasing ng ganto?
"WOW POOL WIEEE!" napahawak na lang ako sa noo ko at napahingang malalim ng tumalon siya sa pool.
Wala naman akong choice kundi sundan siya.
"Hey let's go" tawag ko sakanya. Hinahampas hampas niya yung tubig kaya naman tumatalsik sa mukha ko. "WIEEE!" pinag lalaruan niya yung tubig na parang bata.
"Hehe habulin mo muna ko, bleh" pang asar na sabi niya.
"It's getting colder, bumalik na tayo."
"AYAW!" sigaw niya. Dahan dahan siyang lumapit sakin kaya naman taka kong tumingin sakanya. Maya maya lang ay nilagay niya ang dalawang kamay niya sa balikat ko at pinulupot yon. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko na halos konting galaw niya lang ay magdidikit na.
Nanatiling ganon ang position namin at taka ako tumingin sakanya samantalang siya malapad na nakangiti sakin.
"Why?" tanong ko.
"Do you find me pretty?" lasing niyang sabi. nakangiti lang siya na parang bata at deretsong nakatingin sa mga mata ko.
"Maybe"
"Maybe? psh! Nagagandahan ka sakin e HAHAHA"
"Tara na okay?"
"Sabihin mo munang maganda ako HEHE"
"Ano ba kasing trip mo at nag pakalasing ka?"
"Hmm... Sabihin mo munang maganda ako" pabebeng sabi niya tsaka parang batang nag bbeautiful eyes.
Tsk HAHAHA kyeopta.
"Oo na, maganda ka na. So tara na okay?"
"EHEHEHEHE" lasing na tawa niya tsaka bigla na lang bumagsak ang ulo niya sa dibdib ko.
Hayst! Mukhang nakatulog na nga. Nakaka stress tong babaeng to. Binuhat ko siya pabalik ng kwarto ko at dahan dahang hiniga sa sofa. Pareho kaming basa ngayon kaya mas lalo akong na stress dahil di ko alam kung pano ko siya papalitan ng damit.
"Hey" sinusubukan ko siyang gisingin pero mukhang malalim na yung tulog niya.
Ewan ko na talaga gagawin sayong babae ka.
Tumawag ako ng assistance at wala pang limang minuto ay dumating na rin siya.
"Hello sir, what can I do for you?"
"uhm ano kasi..."
"Yes sir?"
"Pwede bang palitan mo siya ng damit? Baka kasi mag kasakit siya kung matutulog siya ng basa. Sa labas na lang ako mag aantay." pakiusap ko sa babaeng mag aassist. napangiti siya sakin ng tanungin ko siya nun.
o_O
"w-why?" tanong ko sakanya.
"Wala lang po sir hehe. Ang gentleman niyo naman po."
"Huh?"
"Kasi pwede niyo naman pong gawin yun pero tumawag pa po kayo ng assistance. Hindi lahat katulad niyo sir hehe."
"A-ahh haha. Hindi ko naman kasi siya girlfriend"
"Okay po. Sabi niyo e" ang weird ng ngiti nung babae. parang di siya naniniwala na hindi ko siya girlfriend. Lumabas na lang muna ko ng kwarto para mapalitan na ng damit si ria.
Hay nako. Ang ganda naman ng regalo sakin ng babaeng to, sakit ng ulo.
Ilang minuto lang ay lumabas na rin yung staff kay naman pumasok na ulit ako sa loob. Naka bihis na siya at mahimbing ng natutulog. Pero ang alam ko masamang matulog ng basa yung buhok diba?