Wael's pov
Bumalik na kami sa school galing break. Araw araw ko pa rin siyang naiisip pero lagi kong kinokontrol ang sarili ko na maging matatag para sakanya. All I have to do is to wait for her to comeback.
Napadaan ako sa classroom niya at di ko napigilang tumingin sa pwesto niya. It's now empty. Wala na ang gang na tinayo niya. Nag uusap pa rin kami ng mga kaibigan niya pero hindi na ganun kadalas. They act like ria never existed.
"Mr. York! Good timing" tawag sakin ng teacher sa room nila.
"Bakit sir?"
"Halika dito dahil mukhang may kailangan kang mabasa"
"Sir?" pinapasok niya ko sa loob at napansin kong halos lahat ay may mga hawak na papel.
"Before christmas break, we did an activity about writing our goals and wishes and, we planned to read it when we come back. Binilinan ako ni ria na sayo ko daw ipabasa ang mga nakasulat dito. What a unique girl" Inabot saki ni sir yung papel na tinutukoy niya.
'My wishes: I wish that after I leave, Wael can live his life even without me. I wish that he never look at other girls like how he looks at me. I wish that someday, he would understand why I had to leave him for a while. My goals: To come back and Love him for the rest of my life.'
"Wael are you okay?"
"P-po?"
"You're crying" kinapa ko ang mukha ko at umiiyak nga ako. Di ko mapigilang mapangiti sa nabasa ko. Mas lalo akong ginanahang mag antay sa pag babalik mo.
--
5 months after...
"Napapadalas na pag punta mo dito sa haze tol ah. Puro alak na lang yata laman ng katawan mo e" sambit ni blaise.
"San pa ba ko pwedeng pumunta? Hindi ko pa rin magawang sanayin yung sarili kong wala siya" natahinimik siya ng sabihin ko yun at parang gulat na gulat.
"P-pre"
"Bakit?"
"Sa loob ng limang buwan, ngayon mo na lang ulit nabanggit ang tungkol sakanya. Kinabahan ako para sayo tol, akala ko isang araw bigla ka na lang sasabog dahil punong puno na yang mga naipon mong sakit."
"Tss. It's our one year anniversary."
"Ganun na pala kabilis yung panahon" sandali kaming natahimik pareho. Tinungga ko muna ang isang bote ng alak.
"Ang unique ng mundo no?" sambit ko habang nakatingin sa kawalan.
"Ha?"
"Bibigyan ka ng taong mamahalin mo tapos eventually... babawiin sayo."
"Pre..."
"I fucking love her so damn much! Alam mo yung pakiramdam na gustong gusto mo siyang kausapin?... gustong gusto mo siyang kamustahin?... kung okay lang ba siya? kung kumain na ba siya? kung kamusta yung araw niya? kung may problema ba siya?" parang dinudurog ang puso ko habang sinasabi ko ang mga to. "But fuck! I don't even know where she's at. Ang sakit lang isipin na kahit anong gusto mo sa isang tao, kung malayo ka anong magagawa mo? Kahit anong gusto mong kausapin siya hindi mo magawa. Kasi gusto mo siyang intindihin e, kaya kailangan mong tiisin yung sakit. At mag antay... kung kelan siya babalik." hindi ko na napigilan na humagulgol sa iyak. Wala e, pag mahal mo nagiging mahina ka.
"Naiintindihan kita Wael. Pero that's how life works, wala tayong ibang magagawa kundi sumabay sa alon." sambit niya at kahit papano ay nacocomfort ako kahit sa simpleng pag sama niya sakin halos araw araw. Maswerte ang babaeng magugustuhan neto ni blaise dahil isa siya sa kilala kong magaling sa buhay.