Asteria's pov
Shet pasok na naman. nakakayamot pero may choice ba ko? last year na lang naman tapos na lahat ng pag hihirap ko BWAHAHA. Pag baba ko ay sabay sabay kaming anim na nag almusal.
"Kamusta na pakiramdam mo?" tanong ko kay esma.
"Okay na naman. San ba kayo nang galing kagabi?" mukhang wala pang nakakapag sabi sakanila.
"Sa MB"
"Eh? What happened?"
"Nag padala ng tao si lace para saktan si wael and ria" paliwanag ni ciara.
"WHAT? why the hell would he do that? I thought he likes you?" same reaction sis.
"Btw, we have a good news for you guys"
"I really need it! nakaka init ng dugo yang lace na yan hm!" HAHA mag kapatid nga talaga tayo.
"Meraki and namic"
"What about it?"'
"We've decided na ipag join as one group"
"OMG REALLY?!" halos mabingi ang lahat sa lakas ng sigaw ni esma. Di ka naman mukhang excited niyan sis? "Ang cool!"
Pag tapos naming mag breakfast ay sabay sabay na kaming pumasok sa school. Same kaming lima ng first period bukod kay esma. Syempre boring tsaka nakaka antok. Wala kong maintindihan sa kahit anong tinuturo. Ewan ko basta lipad yung isip ko ngayon and wala ko sa mood mag aral.
Napatingin ako sa kamay ko. Biglang pumasok si wael sa isip ko. He can be sweet sometimes.
"Hoy anong nginingiti mo jan?"
"Ria!"
"Bakit?" napatingin ako sa paligid at wala na pala kaming teacher. "Ano ba yon?"
"Are you sick?"
"huh?" mukha ba kong may sakit?
"Bakit ngumingiti ka mag isa jan? Ipa check ka na ba namin?"
"Gago HAHA" abnormal tong horiz na to. Lumabas ako ng classroom namin dahil buryong buryo na ko. San kaya pwede pumunta?
"Ria!" napalingon ako ng tawagin ako ni maze. Ay sakto kailangan ko rin siyang kausapin.
"Ayos ka lang ba?"
"Okay lang naman ako. Ano ba kasing nangyari? Bakit may ganun? Bakit may pakutsilyo? Bkit may mga ganung lalaking sinusundan tayo?" aba isa isa naman mahina kalaban.
"Pano ko ba sisimulan ahm... Pasensiya na dahil nadamay ka pa kagabi. Mga tauhan yun ni lace. Kami ang pakay nila ni wael"
"WHAT?! Kayo ni wael? Why? Kamusta si wael? Nasugatan ba siya?"
Potek. Ako yung pinsan mo girl, hello?
"Ayos lang siya. Basta mag iingat ka na lang kay lace. Tsaka lagi mong dahlhin yung binigay ko sayo kahapon"
"Hindi ko alam na ganung klase pa lang tao si lace. Mukha kaya siyang mabait. Bakit nga ba niya yun ginawa"
"Aalamin ko pa lang"
"Bakit nadamay si wael?" taena. hindi ka naman obvious na gustong gusto mo siya, tch.
"Long story"
"Gano katagal na ba kayong mag kakilala ni wael?"
"Almost a year na rin, bakit?"
Almost a year? Bakit sobrang close niyo na?"
"Gano ba katagal para maging close mo ang isang tao?" hindi siya agad nakasagot. "Wala ka bang klase?"