Chapter 9

1K 36 0
                                    

I woke up with bags under my eyes. I feel like my eyes is so heavy. I can't even open my eyes for too long. Siguro dahil ito sa sobrang iyak ko kahapon.

Bumangon na ako at naligo. Nagsuot lang ako ng simpleng damit dahil sabado ngayon. Walang pasok pero may training kaming lahat na students. Every saturday, student's are required to participate in training since it is mandatory ever since the school was built.

"Let's have some breakfast Mau" Ani ko habang nakatingin na ngayon ay babangon palang sa higaan niya.

"Okay po, maliligo lang po ako" Sagot nito at tumango naman ako.

Tumungo na ito sa banyo at naligo na. Hinihintay ko siya hanggang sa matapos at dinamitan ko na siya agad para maka pag breakfast na kami.

I open the door and saw Brandon standing infront of the door. Napataas bigla ang kilay ko at tiningnan siya.

"Yes?" Seryosong tanong ko na nakataas parin ang kilay.

"A-ahm. Can we talk?" Sagot nito na pilit na sineseryoso ang boses pero di magawa.

Nakataas parin ang kilay ko. "Why?" Sagot ko sa kanya at tiningnan si Maurine na nakatingin din pala samin.

"I just want to talk to you about something." Saad nito at pasimpleng napa kamot sa batok niya.

"Okay." Sagot ko at lumabas na kami sa room at tinungo ang daan sa Cafeteria.

Marami ang nakatingin samin habang naghahanap kami ng bakanteng mesa.

"There tita!" Ani ni maurine at tinuro ang bakanteng mesa na malapit sa Food stall. Tinanguan ko siya at tinungo namin ang mesa.

"I'll order for you girls" Boluntaryong saad ni brandon. Hindi na ako nagsalita at hinayaan nalang na siya ang mag order.

"Thank you po tito" Ani ni Maurine ng may malawak na ngiti. Nginitian naman siya ni brandon at tumingin sakin pero tumango lang siya nang makitang seryoso ang mukha ko.

Linilibang ko lang ang sarili ko habang naghihintay sa pagkain namin. Si maurine naman ay tumitingin lang sa kung saan saan.

"Tita, can you help with my assignment later?" Tanong ni maurine at tiningnan naman ako.

"Sure" Simpleng sagot ko sa kanya at nginitian siya.

"Here you go." Saad ni Brandon na nakalapit na pala samin. Diko manlang napansin.

Nilapag niya ang mga pagkain at umupo na "Thank you" Saad ko at tinanguan naman niya ako. "I don't want to create another scandal so please sit beside Maurine" Dagdag ko ng mapansin na sa tabi ko pala siya nakaupo. Diko na siya tiningnan at lumipat na siya ng upo.

"How was the food?" Tanong nito. Diko alam kung sino ang tinatanong niya. Baka si Maurine kaya di na ako sumagot.

"Tita, tito brandon is asking you" Napaangat ako bigla sa sinabi ni Maurine. Ako pala ang tinatanong. Dapat binigkas niya ang pangalan ko.

Tiningnan ko silang dalawa na kapwa nakatingin sakin. "It's good" Sagot ko at iniwas na ang tingin ko kay brandon. Nagsimula na ulit akong kumain.

Nang matapos kaming kumain at tinignan ulit si brandon "What do you want to talk?" Tanong ko sa kanya. Napatikhim pa siya bago sumagot "Ahhm. Headmistress wants us to find the girl who gave the potion to your classmate" Sagot nito na nakapagpatango sakin.

"Okay. I'll bring Maurine back to my room and we will discuss it" ani ko at tumayo na.

"I'll come with you" Saad nito at tumango nalang ako.

The Girl You'll Never KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon