Chapter 10

1K 38 1
                                    

A/N: The media above is the Solaria Academy. It is just for a better imagination.
Photo credits to winx club

"Stella, sasabay daw satin si Breeyah mamaya" Biglang saad ni April na ikinalingon ko. Gosh. I'm not in the mood this past few days.

"Saan?" Nalilitong tanong ko sa kanya. I don't even know kung saan sasabay si breeyah samin.

"Watda! Hoy babae ka! Kanina pa ako nagsasalita dito ah. Kaloka tong baklang to." Sigaw na sagot niya. Makasigaw naman tong babaeng to akala mo naman na ang layo layo ko.

"Saan kasi?!" Tanong ko ulit na pasigaw din.

"Sa cafeteria nga! Ano ba?! Nakikinig kaba?" Tanong nito na nalilito. I don't know why kung anong nangyayari sakin. Di naman ata panis yung nakain kung hotdog no?

"Oh? Okay. I'm sorry, I was just thinking of something" Kalmang saad ko sa kanya.

I don't know but I am thinking about the winx and the specialists. They've been approaching me for awhile now, saying their sorry and I am ashamed of not accepting their sorry. Am I acting immature? Yes it's been almost a what? Almost a month already since that fight that made me leave the group but it is still fresh. The pain is still fresh.

I guess to be able to free yourself from pain is to move on. But how? How can I move on?

Napabuntong hininga nalang ako dahil diko alam kung anong gagawin ko.

"Okay, we'll go now" Ani ni April ng nasa harapan na si Breeyah. Tumango nalang ako at tinungo namin ang Cafeteria.

Pumasok na kami and I roam my eyes around. Hmmm. The ambiance here is different from the Royals cafeteria.

"Let's sit there dali!" Dali daling kumaripos ng takbo ang dalawa na akala mo ay aagawin ang bakanteng table. Sumunod nalang ako at napailing sa kalokohan ng dalawang to.

"Why are you in a hurry?" Tanong ko ng maka upo na ako. Tiningnan lang ako ng dalawa na nakataas ang kilay.

"Hoy! Alanganaman mag catwalk pa kami? Lunch time na kaya marami ang kakain dito. Baka maunahan pa tayo" Sagot nito. Tiningnan ko ang cafeteria. I think sasakto naman ata ang mga studyante dito. Maluwag siya at maraming mga tables.

"Kaya naman atang ma occupy lahat ng studyante ang mga mesa dito" sagot ko sa kanilang dalawa.

"Nevermind. Kakain na tayo" Sagot nalang ni Breeyah.

Pumila na siya at siya na rin ang umorder ng pagkain namin. At nang mailapag na niya ang inorder namin, nagsimula na kaming kumain. We just talked some random things.

Habang kumakain kami, biglang napatili ang mga studyante dito. Napakunot naman ang noo ko. Napatili nadin ang dalawang babaeng to at tiningnan ko kung saan sila nakatingin.

The specialists and the winx are looking for someone. Tiningnan ko lang sila hanggang sa makita ako ni Brandon at napatingin na din ang anim sakin. Napataas nalang ang kilay ko ng bigla silang naglakad papunta sa table namin.

"A-aahm. Hi stella, can we sit?" Alanganing tanong ni trexie. Tiningnan ko lang siya. Ang anim naman ay nakatingin din sakin na parang hinihintay ang sagot ko.

Napabuntong hininga nalang ako nang mapagtanto na they are trying their best para lang mapatawad ko sila.

Tinanguan ko silang lahat. "Sure" simpleng sagot ko at nagsiupo naman ang iba. We are now 10 in the table. Ang sikip. Pang 6 seater lang ito pero angdami namin. Napabuntong hininga nalang ako ng makitang nakaupo sa lap ni Timmy si Riven at si Merlie naman sa lap ni trexie at si April na ang nag adjust, umupo narin siya sa lap ni Breeyah.

"Di parin kasya" Saad ko sa kanilang lahat at napatingin naman sila sakin. Napailing ako. Kinompas ko ang kamay ko at pinahaba ko ang upuan para magkasya kaming lahat.

"Thank you stella" Nakangiting saad ni Riven at umupo na.

"Why are you here? Mas malaki naman ang table doon sa Royals Cafeteria." Saad ko at tinaasan ng si Brandon. He's looking at me also.

"I want to see you" Seryosong sagot nito na mas lalong nagpataas ng kilay ko. Kailangan talagang lahat sila? At bakit naman gusto akong makita ng lalaking to? Wala naman akong alam na dahilan kung bakit.

"At bakit? Kailangan talaga lahat kayo nandito?" Tanong ko sa kanya. Umiwas naman ito ng tingin. Napailing nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. Napaangat ako ng tingin kay April na nakatingin din sakin, tiningnan ko din ang iba na ganon din. Tinaasan ko sila ng kilay. "Yes?" Tanong ko at napaiwas naman sila ng tingin.

"We're sorry again stella" Pagbasag sa katahimikan ni Riven. Katatapos lang namin kumain at ni isa walang nagsalita kanina.

"I'm very sorry stella, I hope you forgive me" Ani ni Trexie. Tiningnan ko silang lahat at nginitian. "It's okay. Forget it" Sagot ko sa kanilang lahat.

Napangiti naman ang lahat at napangiti na din ako. Nagusap usap lang silang lahat at nang matapos ay umalis na kami. I wave my goodbye at April and Breeyah na papunta na din sa kanilang dorm.

Lahat kami ngayon ay patungo na sa dorm namin.

"We will discuss some things stella" Saad ni Brandon. Gone the cold brandon eh? Napapansin ko to na palagi nang nagsasalita.

"Okay. Let's go to my room then" sagot ko sa kanilang lahat at pumasok na kami sa room ko.

Nagsiupuan naman sila, ang iba sa kama at ang iba sa lapag lang. Dalawa lang kasi ang upuan dito.

"So what now?"Simula ko at tiningnan sila.

"The headmistress wants us to investigate about the girl" Sagot ni Riven at napatango naman ang iba.

"Who's girl?" Nalilitong saad ko.

"The girl who gave the potion to your classmate" Ani ni Timmy. So hindi pa pala nila ininvestigate ang isyung ito? Akala ko naman nagsimula na sila.

"Okay. So what are we going to do now?" Nakatingin na saad ni trexie sakin. Don't tell me ako ang gagawa ng plano?

"We will find someone who's close or friend of that girl" Sagot ni Helia. Yeah it's a good thing to start in that way.

"I heard that a girl from 2nd year Class C has been missing for almost a week now. So if my calculation si right, she's missing since the day that attacked was happen" Sagot ko sa kanilang lahat.

I overheard someone talking about the girl who's not attending her class  for a days and I confirmed it to one of the students in the Class C that happens to be her friend. Sabi niya di niya daw makita at macontact si Vanessa at pinuntahan daw nila ito sa room niya pero wala daw siya doon.

"The question is how can we investigate Vanessa if she's dead already?" Tanong ko sa kanilang lahat.

"So vanessa is her name?" Tanong ni Merlie sakin. Tinanguan ko naman siya bilang sagot ko.

"Have you tried asking her friends why?" Tanong ni Helia. Tumango ako ulit at sumagot. "Yes, but they didn't even know what happen to Vanessa since she is not attending her class, same day the attacked was happened" sagot ko sa kanilang lahat.

Lahat ay nag iisip kung paano na ang gagawing hakbang sa pag iimbestiga. Ang iba ay nakakunot na ang ang noo ang iba naman ay parang sumasakit na ang ulo. Tiningnan ko naman si Brandon na kasalukuyang nakatingin din pala sakin. Tinaasan ko ito ng kilay at napailing naman ito habang may maliit na ngiti sa labi. Tsk.

Pumikit ako at niraramdaman ang paligid. Biglang lumakas ang hangin sa paligid ko at rinig kung sinisigaw nila ang pangalan ko ngunit diko yun pinansin. I am trying to concentrate and open my eyes which are now glowing in bright yellow color.

Napangiti ako at tiningnan ang sa labas. "Gotcha" Saad ko at bumaling naman ako sa kanilang lahat na ngayon ay magulo na ang buhok at ang paligid ay parang dumaan sa bagyo. Kinompas ko ang kamay ko at bumalik sa lahat ang dati.

"I found something" Saad ko sa kanila at napatingin naman silang lahat sakin matapos mag ayos na buhok.

Hmmmm. You're not good at hiding evidences.

The Girl You'll Never KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon