MATAPOS ang mahabang oras nila ay naroon na sila sa Onward Company, ang kumpanya ni Blake.
"Good morning Sir Mr. Davidson." bati ng mga empleyado sa nakalukot na mukha ng boss nila.
"Apprentice daw yan ni Mr. Davidson?" tsismosang empleyado number one.
"Ang gwapo noh?" tsismosang empleyado number two
Mukhang issue na naman dito si Jey sa kumpanya, natatakot si Jey at baka isang maling galaw niya lang ay magkakaroon ng malaking tsismis dito.
"Pero sabi nila.. usap usapan na may gusto daw siya sa boss natin." tsismosang empleyado number three.
Nanlaki naman ang mga mata ni Jey. Sinong nagsabi sa kanila? Gayung siya lang ang may alam at sikreto lang iyon? Hayst! Buwisit, sabi na nga may tainga ang simento dito sa kumpanya na 'to.
"What!?" bigla nilang sigaw sa anunsyo ng babae sa kanila, ano psychic yata ang mga empleyado dito.
Lumingon naman sa kanila si Blake at isa isang binigyan ng nakakamatay na tingin. Napatahimik naman ang tatlo sabay balik sa kailang upuan.
Muli silang naglakad patungo sa opisina ni Blake, wala ng narinig na bulungan si Jey na ikinakatuwa niya. Takot lang singuro nila si Blake. He was praying na sana ay hindi niya narinig ang bulungan na iyon.
"Good morning Mr. CEO and Mr. Apprentice." masiglang bati ng secretary na nasa gilid ng pintuan ng office, doon kasi ang quarter desk nito.
Tumango lang sila saka nagtuloy tuloy na sa pagpasok sa loob ng opisina ni Blake. Pinagbuksan pa ni siya ni Jey ng pinto.
"Mr Nieves my apprentice, go to the finance and magic vision department and get their reports now... may meeting ako ng 10:00 AM sa VerNam corporation." saad nito ng mabasa ang isang sticky note sa kanyang lamesa. Palusot niya lang iyon para lumayo muna ito ng panandalian.
Kinuha niya ang note na nasa ibabaw ng kanyang lamesa saka pasimpleng hjmapyaw ng tingin kay Jey. "This is Mr. Gregory call me now asap." si Grey pala ang nagbigay nito. Ano naman kaya ang pakay ng lalaking iyon kay Blake. Sinundan niya ng tingin ang kasama niya na si Jey.
Nang makalabas na si Jey ay agad niyang kinuha ang kanyang cellphone, hinanap ang numero at madaling tinawagan si Grey.
"Hello..." he said when Grey pick up his phone, bakas sa noo niya ang pagtataka dahil sa pagkakakunot ng noo niya.
"Kukunin ko na si Jey ulit dito sa kompanya" bulalas na pambungad naman ni Grey sa kabilang linya
"What the hell Grey! Sa akin na siya ngayon!" gulat at pasigaw nitong sabi. Ano bang pinagsasabi ng hunyango na 'to? Tsk!
"Kukunin ko na siya." giit pa ni Grey, hindi na natutuwa si Blake. Gusto niya itong sugurin ngayon at suntukin.
Napailing-iling na lang si Blake. kailangan niyang kalmahin ang kanyang sarili. "Ano bang gusto mong palabasin?" Blake said with a calm voice.
"Relax, ito naman alam kong sayo na sya. Binibiro lang kita eh.. haha... Kita mong pinakawalan ko na nga siya dito sa kumpanya ko,I mean nag-resign pala siya."
"Tsk! Akala ko totoo na." nalukot na mukhang tugon ni Blake saka napahilamos sa mukha. Nakahinga din siya ng maluwag, akala niya ay totoo na ang sinabi ng kaibigan niya.
BINABASA MO ANG
[BxB 1] You're My Hot Boss (His Apprrentice) (Published Under RPH)
RomanceThis story is not suitable for 18 below (Published Under Rainbow Publishing House) A hot and perfect man that everyone's dream, oozing with sex appeal that nobody can't deny it, his butterscotch eyes color that makes him more handsome, Blake Zander...
![[BxB 1] You're My Hot Boss (His Apprrentice) (Published Under RPH)](https://img.wattpad.com/cover/219410167-64-k460643.jpg)