Chapter 12: Last Day Of Happiness.

549 57 3
                                        


    MATAAS na ang araw, ramdam na ni Jey ang pamamawis dahil bukas pa ang heather dagdag pa ang makalapal na kumot na yumayakap sa kanya.

    Napamulat si Jey ng maramdaman niyang may mabigat na nakayakap sa kanya, he realize na hindi ito kumot dahil humihinga. Lumingon naman siya sa right side nito, balak niya na sana itong itulak ngunit si Blake na himbing at payapa pa na natutulog.

    Napangiti siya saka tinitigan niya ito habang natutulog. Tila itong isang anghel na bumagsak sa lupa kung tulog. Napadako naman ang tingin nito sa mga talukap ng mata ni Blake na nakasarado. He was thinking kung anong oras ito bumalik sa tent nila.

    "Hmm... Ang haba naman ng pilik mata niya at yung ilong niya na medyo matangos sakto lang... at ang..." napatigil siya sa pananalita nang napadako naman ang tingin nito sa labi ni Blake na napakapula at parang red lipstick na bagong bili.

    "Yung labi niyang like strawberry color na..." he was smiling while looking on Blake's lips.

    Mabilis naman na umabuso si Blake na nagising na, halik agad ang pinadapo niya sa labi ni Jey.

    "Na halik ng halik..." bulalas ni Jey.

    "Good morning Love ko." wika ni Blake sa bagong gising na boses, he looks like on the mood ngunit hindi naman makakalimutan ang nangyari kagabi sa paghihintay niya dito.

    Nagsalubong ang kilay ni Jey na tumingin sa mga mata ni Blake "Anong good morning ka diyan? May kasalanan ka pa sa akin Mr. Davidson, baka nakakalimutan mo." sabay ngiti nito ng mapait.

     Humigpit naman ang yakap sa kanya ni Blake. Naalala naman ni Blake na mayron nga talaga at sana ay hindi siya nito pagalitan.
    "Love ko sorry na, hindi ko na uulitin." hinging paumanhin ni Blake at muli nitong hinalikan si Jey sa labi. 

 "Tsk! Hindi uulitin." panggaya niya kay Blake. "Anong oras ka nang bumalik dito sa tent kagabi?" usyosong tanong ni Jey na akala mo ay nagagalit sa kanyang asawa dahil sa oras ng pag-uwi nito.

    Napaiwas naman ng tingin si Blake.
    "Maaga." tipid na sagot nito na tila nangaasar pa.

    "Anong maaga? Eh twelve thirty na akong natulog wala ka pa nga dito How can you say that?." inis nitong saad kay Blake. Natahimik naman si Blake, ito na ang ayaw niya.
    "Ano? Sagot?" muling saad nito ng may pagka-bossy.

    "Three AM po. Diba maaga naman 'yun." nakapikit na sagot ni Blake sabay mahinang tawa.

    "Tsk! Ang tigas talaga ng ulo mo Blake." pagtatampo nito kay Blake. 

    "Really?" napantastikuhang wika ni Blake, iba kasi ang sumagi sa isipan ng binata.

    "Oo." hindi sinasadyang malingon ni Jey ang mukha ni Blake kaya napahinto siya.
    "T-Teka nga bakit ganyan ka makangiti. Ano ba yang iniisip mo Blake? Ugh! Nakakainis!" irita nitong sabi kay Blake. 

    "Hindi kaya." sabi ni Blake sabay mahinang tawa

    "Tsk! Sabi ko na nga ba eh!" sabay talikod kay Blake. Tama nga! Isang kamanyakan ang iniisip ni Blake, hindi naman iyon naisip ni Jey ngunit dahil kay Blake ay kaya niya nalaman na may iba iyong meaning.

    "Nga pala love, aalis na tayo mamaya." pang-iiba ni Blake sa topic. Iyon kasi ang napag-usapan nila kagabi habang nagiinuman.

     Bumalik naman sa dating pwesto si Jey sa anunsyo ni Blake. Gumuhit ang pagtataka sa mukha niya sapagkat ang alam niya ay one week sila dito sa Palawan.
    "Huh? Akala ko ba isang linggo tayo rito?" naguguluhang tanong nito sapagkat sila pa mismo ang nagsabi. Hindi pa naman naenjoy ni Jey ang Palawan.

[BxB 1] You're My Hot Boss (His Apprrentice) (Published Under RPH)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon