Chapter 22: Romantic Night

398 48 2
                                    

a/n; over time

    TINALUKBUNGAN ni Jey pati ang mukha ng magising na siya ngunit hindi niya inaasahan na may ganon pala sa doon kaya bigla siyang nagbalik ng mukha sa labas.

    Napa-inat naman si Blake. "Good morning Love ko." anito sabay halik nito sa noo ni Jey.

    Is he gonna tell this to Blake? Ngunit nahihiya siya na sabihin at baka makaisip na naman ito ng kalokohan Laban sa kanya. "G-Good morning too, Love" sagot naman nito habang napakabilis ng sikdo ng kanyang puso.
    Ilang saglit pa ay yumakap sa baywang niya ang hita ni Blake kaya napakurap-kurap siya, lumapat kasi ang mainit na bagay na iyon sa kanyang hita. Gusto niya itong tabigin ngunit inaalala niya lang na baka masakit pa iyon.

    "Uhm... Hindi pa ba tay--ikaw maliligo?" ani Jey na kamuntikan na namang makasabi ng kung ano.

    "Mauna ka ng maligo Love, mahaba-haba kasi ang byahe natin" ani Blake saka inalis ang pagkakayakap ng hita nito sa baywang ni Jey.

    Si Jey naman ay aligagang tumayo saka nagmadaling lumakad sa papasok ng shower room habang lumalakas lalo ang pagsikdo ng kanyang puso.

    He's thankful at hindi siya pinasok ni Blake bagkus ay naligo ito sa sarili niyang kuwarto. Nagbihis na siya, simpleng pantalon lang at dyed T-shirt ang suot niya.

    Pagkatapos ay binitbit niya na ang mga gamit na dadalhin niya, sinobrahan niya na ang mga damit sa backpack niya at baka biglang extend ang lakad nila. Ayaw niya namang maghubad doon at magkulong lang sa kuwarto dahil wala siyang pamalit.

    Pinagdesisyunan ni Jey na mauna na sa baba, hindi na niya inabala pa na tingnan si Blake sa kuwarto niya at baka pagsisihan niya rin lang iyon.

    Diretso parking lot na siya agad, pumuwesto siya sa passenger's seat habang inilalagay ang backpack sa backseat ng sasakyan.
    Ipinulupot niya ang neck pillow sa paligid ng leeg niya saka dinukot ang phone sa bulsa ng suot niyang pantalon.

    NAPAILING-ILING si Blake ng maatensyunan na wala na pala si Jey sa loob ng kuwarto niya. Tiningnan niya na din ito sa shower room ngunit wala na, pans in niya sa ibabaw ng kama na wala na ang bag na naroon. Umalis na ba siya?

    Mabilis niyang kinuha ang phone sa bulsa niya at mabilis na hinanap ang dialed number ni Jey, bigla kasi siyang kinabahan na baka nga talaga ay tumakas na si Jey dahil kagabi pa lang ay ayaw niya ng sumama.

    "H-Hello Jey? Where a-are you?" kinakabahang tanong niya ng sagutin ito ni Jey sa kabilang linya.

    "I'm at the car already. Why'd you asked?" kalmadong sagot ni Jey.

    Napabuga naman ng hininga si Blake sa sagot ni Jey. "Okay. Tinanong ko lang. Sige, I'll be there after fixing my things here." palusot niya, hindi niya na ito hinintay na sumagot pa dahil wala na siya sasabihin pa na iba.
    Kapagkuwan ay natawa na lang siya sa sarili, masyado lang siyang over dramatic sa pagaakalang tinakasan siya ni Jey. Sinalakbat niya na ang mga gamit na dadalhin niya saka lumakad na palabas ng pinto si Blake.

    Palapit na siya sa kotse, hindi niya masilip si Jey dahil masyadong tinted ang bintana ng kotse.
    Hinila niya ang knob ng kotse at bumukas naman iyon, narito nga si Jey at nakatutok lang na tila may katext sa cellphone niya.

    "Stop that or I might capture that phone. Who's on that chat?" usyoso ni Blake, hindi niya kasi nagugustuhan ang ngiti ni Jey na nakatutok sa phone nito at nakangiti ng malawak.

    "Nothing, its just the one of Grey employee. I met him since I was working on there." nakangiting tugon niya ng hindi nililingon si Blake.

[BxB 1] You're My Hot Boss (His Apprrentice) (Published Under RPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon