Chapter 32: Emergency Call

316 50 2
                                        

    Mag-isa ngayon si Jey sa opisina dahil isinama ni Blake si Xian sa meeting nito from Laguna, gusto niya din sanang isama si Jey pero pinilit niya si Blake na mag-stay na lang sa opisina kaya wala nang nagawa pa ang binata.

    May mga kailangan pa na projects si Jey para matapos ang isang linggo niyang pinaghirapan para sa gagawimg mga presentation ni Blake. Wala na din something something sa kanilang dalawa magmula ng matambakan sila ni paper works. Minsan nga ay nakikita niya na lang si Blake na nakadayukdok sa working table nito at nahihimbing na natutulog.

    Ayon sa kaalaman ni Jey, marahil ay nakarating na sila Blake sa Laguna dahil tatlong oras na rin ang nakalipas mula nang umalis ang kanyang nobyo kasama ang kanilang anak.
    May oras pa naman para makapag-bonding silang tatlo, not in this moment dahil ginagahol na sila sa oras. Nagpatulong na nga ito kay Lian mula sa Fuentebella Law Firm.

    Nag-inat siya at marahang ikinawag ang ulo nang makaramdam ng pananakit ng batok. Inabot niya ang dala niyang tubig saka lumayo muna sa desk para hindi matuluan ang mga papers na nakasampal doon.

    He took a deep breath and continue what he's doing right now.

    Sa kalagitnaan ng kanyang pag-tatype ay biglang may tumawag dahilan para maantala siya sandali, nang makita niya ito ay napangiti pa siya bago niya sagutin ang tawag sa kanyang laptop.

Jean calling...

    "Napatawag ka At...e" biglang nabitin at humina ang kanyang pagbati ng makita niya ang kapatid niyang humahagulgol ng malakas sa screen ng laptop niya.

    "J-Jey..." tawag sa kanya ng ate niya habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Kinabahan naman si Jey dahil doon kaya di niya mapigilang magtanong kung bakit ito umiiyak. Maaring nag-away sila ng asawa nito, iyon lang ang alam ni Jey na maaring reason ng kapatid niya.

    "A-Ate. A-Anong? Bakit ka u-umiiyak? You husband made you cry on that way?" nauutal na tanong nito dahil sa kaba sa mga isasagot sa kanya ng kapatid. Wala siyang ideya sa mga nangyayari ngunit isa lang ang alam niya, kinakabahan siya.

    "Jey..." sandali itong napahinto. Si Jey naman ay hindi na mapakali dahil kanina pa ito sa pagtawag ng pangalan niya. "He's gone." tila nanghinang sagot ng ate niya na patuloy pa rin sa pag-iyak, pinapangapusan na din ito ng hininga.

    Hindi niya iyon naintindihan. He's gone? What the hell is she talking about? ani Jey sa isip. Naguguluhan ito sa kausap niya.
    "Ate, please direct to the point!" napalakas na wika nito sa kanyang kapatid dahil pati na rin siya ay naluluha na.

    Nagpawi si Jean ng luha nito. "Si... Si Papa." at doon ay mas lalo pang lumakas ang pag-iyak ni Jean ng banggitin ang pangalan ng kanilang Ama.

    Lalo namang naguluhan si Jey. Anong mayron sa Ama nila at bakit hindi masabi ng direkta ng kanyang kapatid. Sa pagkakaalam niya ay malakas pa ang Papa nila, wala itong sakit nong umalis siya.

    "W-What h-happen? May ginawa ba siya? Sinurprise ka niya or what? Ate puwede bang sabihin mo na kaagad?" garalgal na tanong ni Jey at doon di'y tumulo ang kanyang luha. Hindi niya na ito maintindihan.
    "Tell m--"

    "They killed him..." mabilis na sagot ni Jean dahilan para mapatulala si Jey.

    Tila naglalaro sa isip niya ang sinabi ng kapatid. "A-Ate imposible naman 'yan. N-No, malakas si Papa, he's a strong man. You're lying."

    "How can I lied to you Jey? Sana nga kung kasinungalingan ang sinasabi ko ngayon hindi na sana kita sinabihan."

    Ramdam niya ang tensyon sa boses ng kapatid, nagsasabi nga siguro ito ng totoo. Hindi na napansin ni Jey ang pagtulo ng butil ng luha sa mga mata niya.

[BxB 1] You're My Hot Boss (His Apprrentice) (Published Under RPH)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon