Chapter 6: His Smile

745 72 7
                                    


    MAAGA silang pumasok sa Onward company na pagaari ni Blake at may bagong kaganapan sa pagitan nilang dalawa habang naglalakad sa hallway ng kumpanya.

    "Good morning Sir Blake." bati ng kanyang mga empleyado ng makapasok na ito sa loob ng kumpanya. Palapit na sila sa elevator, marami-rami na din ang mga tao dahil oras na ng kanilang mga duties.

    "Good morning too." ngiting ngiti nitong sagot sa mga bumati sa kanya. 

    Ang guwardiya ay nakangiting masasalubong nila sa daan, mukhang pati ito ay nahawa sa pagngiti ni Blake. "Ang ganda yata ng umaga niyo ngayon Sir Blake..." sabi ng guard na nakangiti.

   "Syempre naman." nakangiti nitong sagot saka sumakay sa private elevator nito papunta sa opisina nito. Nasa likod niya lang si Jey habang binibilang ang kanyang paghakbang at ang mga taong bumabati sa kanya at ginagantihan naman ni Blake ng maayos na pagbati. 

    Nang sumara na ang elevator ay mabilis na umakbay naman si Blake kay Jey na napaangat na ng tingin.

    "Hey, ano yan?" natatawang tanong nito kay Blake sabay dumistansiya kay Blake at sumandal na lang metallic wall ng elevator.

    "Wala lang, masama ba ang umakbay?" tanong nito saka muling hinila si Jey at hinigpitan ang pagkakaakbay.

    Napailing naman si Jey. "Bakit ganyan ka makangiti, muntanga ka dyan Boss Blake!" naiirita nitong sabi sabay tabig sa nakaabay na braso ni Blake sa kanyang leeg. 

    Blake tsked. "Bawal ba?" inis na sagot nito. Parang aakbay lang naman.

    "Tsk!" sabay ngisi nito sa naging reaksyon ni Blake.

    "Sungit." pangaasar naman ni Blake saka kinintalan ng matamis na halik sa taluktok ng upo ni Jey.

    Lumabas naman na sila sa elevator ng saktong bumukas iyon. 

    Malayo pa lang sila ay sinalubong na agad sila ng bati ng secretary, malugod din naman nilang binati na ipinagtaka nito dahil hindi iyon ang ugali ng boss nito dahil tango lang o kaya hindi ito namamansin pag bimabati siya. Napakamot na lang ang sekretarya at napakurap kurap.

    Muli siyang bumalik sa katinuan. "Sir nasa loob po pala si Mr. Gregory." sabi ng secretary. 

    Napahawak naman si Jey sa laylayan ng polo ni Blake ng marinig ang pangalan ni Grey. Nagumpisa na naman na pangambahan si Jey, malakas na sumisikdo ang kanyang puso dahil sa kaba.

    "Sige thank you." tugon niya sabay hawak pa ni Jey sa office suit ni Blake na papasok na sa sana loob. Maingat niyang binuksan ang pinto ngunit pinigilan siya ni Jey.

    "Boss, puwede bang kayo na lang humarap ngayon kay Sir Grey. Natatakot kasi ako sa kanya." pag-amin ni Jey, kinuha naman ni Blake ang kamay ni Jey. Tuluyan ng binuksan ni Blake ang pinto.

    "Good Morning Mr. Davidson." masayang bungad ni Grey sa kanya na nakaupo sa swivel chair ni Blake at nakapatong pa ang kayang paa sa lamesa.

    Napatago naman si Jey na nagtatago sa likod ni Blake, talagang takot siya dito.

   "Layas!" inis niyang asik kay Grey but he gave him a smirk.

    Tumayo si Grey saka napatawa ng mahina the also gave a seductively glare to Jey. "Pinapalayas mo na agad ako eh kakausapin ko pa si Mr. Nieves." napataas baba pa ang kilay niya.

[BxB 1] You're My Hot Boss (His Apprrentice) (Published Under RPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon