a/n: kinilig naman ako sayo JJlebs
MATAAS na ang buwan, madilim at maraming bituwin, malakas na din ang hampas ng tubig ng isla saka pa lamang nagumpisa ang sinasabi ni Blake na night party.
"Thank you to all the attenders for this night, lalong lalo na sa ating limang nagsi-sigwapuhang mga young business man na nag suggest ng night party na ito... And now, it's time to enjoy this night with your partners... DJ music please..." Emcee said with his good voice.
Inilibot ni Jey ang kanyang paningin ng hindi ito maparaanan ng kanyang mga mata sa paligid si Blake. Napakayur na lang siya sa kanyang sentido ng hindi niya talaga ito mahagip.
"Sir Lester!" tawag ni Jey dito ng makitang papalapit ito sa kanya.Lumapit siya dito na tila may hinahanap din. "Ikaw pala Jey... A-Ano 'yun?" nakangiting wika nito.
"Nakita mo ba si Blake?" tanong ni Jey dito. Malamang may alam ito dahil sila ang magkakasama na umalis after the emcee introduced them an hour ago
"May kasamang babae kanina." lokong bulalas nito sa kanya.
"Ha? Nasaan siya!?" biglang nag iba ang awra ni Jey, nakakatakot. Napagtanto na lang ni Lester na mali pala itong biruin.
"U-uy ito naman, easy ka lang, biro lang 'yun. Haha..." kinakabahang bawi ni Lester. Maski ito ay nakaramdam ng kilabot sa tono ng boses ni Jey, it sounds murderous.
"Nandoon siya sa may yacht, kasama 'yung tatlo." matinong sagot nito sabay ngiti na ng may kaba.
Nakahinga naman ng maluwag si Jey when he heard that it was a prank. "Ah ganon ba?" mahinahon na nitong sabi.
"Oo, how about Lian? Nakita mo ba si Lian if where he is?" ganting tanong nito kay Jey. Kanina niya pa rin kasi ito hinahanap. Nakailang palibot na ito sa Isla.
"Nasa tent kasama sina Den umiinom." sagot nito. Natatakam man din siya sa alak ngunit pinigilan niya ito.
"Bakit hindi ka nakisama?" tanong muli nito.
"Hindi kasi ako pinayagan ni Blake sungit na 'yun." reklamo nito saka napanguso ngunit nag-iba rin lang ng reaction.
"Haha... Thank you, una na ako, puntahan mo na lang si Blake doon sa yacht. Bye!" paalam ni Lester.
"Sige salamat." sabay lakad nito patungong yacht. Itatanong pa sana ni Jey kung anong ginagawa ni Blake sa yate gayong puwede naman siyang mag-stay sa tent, ngunit hindi na nahagip pa ng kanyang mga mata si Lester.
Pagkarating niya ilang metro ang layo sa yacht ay kamuntikan pa siyang matisod dahil sa hahara-hara na ugat ng puno.
INABOT ni Grey ang nakasabit sa bintana na headphone ngunit hindi niya sinasadyan matiyempuhan ang kanyang nakita na palapit sa kanila.
"Pare oh, si Jey papunta dito." wika ni Grey nang matanaw ito mula sa bintana at mukhang natuwa pa ito.
Patagay na si Blake ngunit ibinaba niya iyon dahil sa sinabi ni Grey.
"Ha!" kinakabahang tumayo si Blake saka alanganing tiningnan rin ito. Nanlaki ang mga ni Blake, totoo nga at palapit na siya kaya napamura siya ng pabulong."Shit! Pare itago niyo 'yung alak!" tarantang utos ni Blake. May usapan pa naman sila ni Jey about dito.
"Ha? Bakit?" nagugulumihanang tanong naman ni William dahil sa sinabi ni Blake na tila natataranta na.
BINABASA MO ANG
[BxB 1] You're My Hot Boss (His Apprrentice) (Published Under RPH)
RomanceThis story is not suitable for 18 below (Published Under Rainbow Publishing House) A hot and perfect man that everyone's dream, oozing with sex appeal that nobody can't deny it, his butterscotch eyes color that makes him more handsome, Blake Zander...