Chapter 13 : A Great Thinker Game

429 57 1
                                    

a/n: bago to.. haha try niu rin laruin guyszz 

happy read :D

    MATAPOS ang maghapong adventure nila ay nagbalik na sila ng rest house. Putok na din ang pamumula ng langit dahil sa pagbaba ng araw.

    "Bye Aling Martha." paalam ni William ganun din ang iba.

    Tumango naman ang matanda na siyang nagaasikaso sa rest house na kanilang tinutuluyan. "Balik kayo dito huh. Mag-iingat kayo sa biyahe." naluluha nitong sinabi. 

    "Opo sige po, ingat din po kayo dito." saad naman ni Grey sabay kaway nito, nakasakay na silang lahat liban kay Grey na huling nagpaalam.

    "Hays... Ang saya." ngiting tagumpay ni Blake sabay akbay kay Jey na nakasimangot lang. Naiinis kasi siya kay Blake dahil sa ginawa nito, napasukan tuloy ng tubig ang ilong niya kanina.

    Nico shrug while looking at Blake. "Tito Blake ano pong meron bakit po kayo masaya?" tanong ng batang si Nico sa kanya. Napailing naman si Louise.

    "Tsk! Huwag mong pansinin 'yan Nico. Nababaliw lang yan." saway ni Louise dito saka ito pinahiga sa lap niya.

    Napairap naman si Jey at sjnamaan ng tingin si Blake na halos hindi na mawalan ng ngiti sa labi. "Ano namang masaya doon. Eh halos mamatay na ako sa tubig kanina.." inis at mahinang bulong niya.

    Umakbay sa kanya si Blake saka hinagod ng malamyos ang likuran ni Jey.
    "Sorry na love ko... Hindi na mauulit." sabay halik niya sa labi ni Jey. Agad namang tinakpan ni Louise ang mukha ni Nico ng kanyang palad. 

    "Hoy! Itigil niyo nga 'yan! Nandito si Nico, baka paglaki nito gayahin niya kayo!" inis na saway sa kanila ni Louise. Nico is a good little boy.
    Blake tsked and look at Jey's annoyed face. Sanay na siya sa mga ganoong sagot ni Blake.

    Hindi pa nasabi ni Blake kay Jey na Baguio City ang next na rota nila, they'll spend more time there dahil na din sa request ni Grey.
    Alam naman ni Blake kung anong habol ni Grey dito sa Baguio, panigurado na request niya agad ang pagtapak sa lupain ng mga strawberry.

    Pagdapo ng Private Jet na sinasakyan nila ay nagkanya kanya na silang baba at bitbit ng mga gamit.

    Nagcheck-in sila sa malapit na apartment na nakita nila mula sa bintana ng Private Jet kanina. Maganda ang mga pagkakatayo dahil pure pine woods ito. Its a beautiful tourist spot dahil napapalibutan din ng ilang pine trees ang paligid, maganda ang aura at napaka-peaceful kahit hindi lang sila ang naroon.

    Inayos na nila ang mga gamit nila at nagsikanya kanya na din sa pag-order ng pagkain.
    Tag-iisa sila ng wood house ngunit si Jey at Blake ay hindi, malamang ay ganon din dins Grey at Lester.

    Balak sana ni Blake na makipag-share plates kaso dalawang Plato ang nasa lamesa. Si Jey naman ay tuwang tuwa, siya kasi ang may pakana na dalawang plato ang ibigay sa kanila.

    Pinagsaluhan nilang dalawa iyon ni Blake, deadma lang si Blake, ayaw niya itong pansinin dahil naiinis pa din siya dito sa ginawa nilang underwater kiss.

     Tinapos nila ang pagkain nila bago lumabas para mag-bonfire kasama ang iba. Kinuha ni Jey ang makapal niyang hoodie jacket na may tatak na Marshmello.

    It's already Nine in the evening kaya mas lalong malamig ang paligid. Gaya niya ay naka-jacket din ang mga ito liban kay William at Louise.

    "Hindi kayo nagdala ng jacket? Hindi ba kayo nilalamig?" ani Grey.

[BxB 1] You're My Hot Boss (His Apprrentice) (Published Under RPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon