Chapter 8: Endearment.

677 64 2
                                    


    KINAUMAGAHAN din na iyon ay nagising na si Blake, ngunit lanta pa si Jey at nahihimbing pa sa pagtulog. Hindi kasi siya nakaayos sa pagtulog kagabi dahil sa ginawang kalokohan ng Boss niyang loko-loko.

    "Ano ba Blake? Inaantok pa ako." naiinis na sabi ni Jey saka tumagilid ng higa.
    "W-wag nga kasi Blake, ayan ka na naman eh." sabay kamot sa kanyang ulo, hinila niya ang kumot at itinalukbong sa buo niyang katawan ngunit hindi nabalutan ang kanyang batok.

    Nagmulat siya ng mga mata. Masyado ng lumalalim ang nararamdaman nito kay Blake at hindi niya alam sa kanyang Boss kung ganon din ba ito sa kanya.

    "Good morning my apprentice. I love you." sabay halik sa naka-expose na batok ni Jey.

    Napabalikwas siya ng upo, at hawak ang kanyang batok. Nakapaningkit ang kanyang mga mata na nakatingin kay Blake. Kahit Boss niya ito ay may freedom pa rin siya dito.
    Hinablot niya si Jey saka mahigpit na niyakap, mabilis niyang pinadaanan ng labi ang gilid ng leeg ni Jey. Tila isang bampira si Blake

    "Haha... B-Blake! Stop! haha..." nakikiliting wika nito, itinulak niya ang mukha ng binata para lang matigil ito.

    Natawa na lang si Blake dahil sa malakas na kiliti ni Jey at sa leeg pa talaga. "Ang lakas pala ng kiliti mo. Dito ba?" sabay muling halik nito sa leeg ni Jey na muli na namang napapahagikgik dahilan para mahiga itong muli.

    Alam niyang wala siyang laban kay Blake dahil nanghihina siya sa pangingiliti nito. "Tsk! B-Blake! haha... tama na... haha..." hindi mapakaling halakhak ni Jey, lumalakas na ang sipol ng puso niya at pinapangapusan siya ng hininga habang pinipilit na kinikibit ang kanyang balikat.

    "Bangon na Love ko." nakangising saad ni Blake na nahinto na sa paghalik sa leeg ni Jey na hinihingal at bumabawi ng hininga.

    Napakunot noo itong napatingin kay Blake. Hingal pa rin siya hanggang sa ngayon. "Love ko?" tanong naman ni Jey na nakakunot ang noo at tila binabasa ang reaksyon ni Blake kung sinabi niya ba iyon.

     "Oo. Bakit ayaw mo ba?" nalungkot na sabi ni Blake sabay pout nito, gusto niya itong tawagin na ganon kahit hindi pa sila, doon din naman ang finish nito. Takot lang siya na baka may biglang umagaw o umextra para kay Jey.

    "Tsk! Muntanga ka dyan haha..." sabay tawa ni Jey kay Blake na nakalukot ang mukha na tinuro pa iyon.
    "Uy, sorry na." pigil na natatawang sabi ni Jey sa nakabusangot na mukha ni Blake, ano at umaarte na naman ito.

    "Oo na, sige na Love ko na kung 'yun yung gusto mo." saad ni Jey. Bigla namang ngumuso si Blake ng matuwa ito na tinanggap ni Jey ang endearment na iyon.
    "Ano yan?" Sabay pindot nito sa nakabundok na bibig ni Blake. 

    "Kiss." tipid na tugon ni Blake sabay turo sa kanyang labi para bigyan siya nito.

    Napalayo naman siya kay Blake. Gusto niya nga itong halikan ngunit hindi puwede. Sumusobra na ito sa paghingi ng halik gayong wala pa naman silang katiyakan na relasyon.
    "Teka nga, ang aga mo namang humingi. Hindi pa nga ako nakapag toothbrush eh." paliwanag na dahilan ni Jey saka nag-iwas ng tingin.

    Kinuha niya ang kamay ni Jey at hinalukipkip ito sa kanyang palad. "Sige na please... isa lang naman eh." sabay simangot nito na parang batang inagawan ng candy, demanding man siya ngunit hindi niya maiwasan na humingi at nakawan ng halik si Jey.

[BxB 1] You're My Hot Boss (His Apprrentice) (Published Under RPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon