Epilogue

1K 56 15
                                        


ITO na ang ikalimang taon niya sa Thailand, limang taon na din na hindi niya nakatabi at nakasama si Blake.
Ngayon sa ikalimang taon na ito ay ready na siya na makitang muli ang taong kaligayahan niya.

Ang mga bagahe niya ay ayos na, kumpleto na iyong lahat at kasalukuyan na isinasakay sa sasakyan ng kapatid niya. They decided na ito na ang maghatid sa kanya sa airport. Ang Mama niya naman ay hindi na sasama dahil baka mapigilan niya lang daw si Jey sa pag-alis nito kaya hindi niya na lang ito pinilit.

"Hoy panget, halika na. Kapag nakauwi ka na ng pinas, huwag mo naman akong kalimutan na tawagan or even our mother. Sige ka, baka magalit 'yun sayo. Huwag ka na lang magtaka kung sakaling may lumapag na eroplano sa harapan mo." anang kapatid niya.

"Hayss... I'm so very, very excited to see him. Sure ka talaga Ate na wala ka ng ibang pinagsabihan ng pag-uwi ko ngayon. Baka mamaya alam ito ni Blake babalikan kita dito."

Ipinasok niya na ang mga kailangan niyang dalhin and also that pretty beautiful girl na kasalukuyan niyang inaalalayan. He was expecting na magugulat dito si Blake and he will use this girl para prangkahin ito kapag nagkita sila.

Sumakay na din ito, naramdaman niya na lang ang pag-andar ng sasakyan. Binaba naman ni Jey ang bintana para langhapin pa ang hangin ng Thailand. Magkikita pa tayo land of smiles. anito sa kanyang isip.

Masaya ngayon si Jean na nakikitang masaya si Jey ngayon. Ayos naman na ang lahat at napag-usapan na nila lahat ng ito. Ang five years contract nila ay tapos na and its time to Jey para magsaya na din.

Mag-isang ngumingiti si Jey habang kinikintalan ng rumaragasang hangin ang mukha niya. He was imagining kung anong mukha ngayon ni Blake, hindi kasi sila nagkaroon ng connection for two months at hindi niya din alam ang tungkol sa pag-uwi niya. He wanted to surprise him unless may makaalam at sabihin kay Blake na pauwi na siya ngayon.

Tiningnan ni Jey ang cellphone niya. Ugh! Malapit na pala birthday niya. Marahan siyang napangiti nang huminto ang sasakyan. Mabuti na lang at naalala niya ang birthday ni Blake. Sa sabado na iyon.

Bumaba na sila saka naglakad, hinatid din lang sila ni Jean papasok habang tulak nito ang nakalagay sa pushcart na mga bagahe ni Jey.

They switch a goodbye hugs bago umalis si Jean, napadrama pa sila habang nakatayo doon.

Lumakad na siya para maupo muna sa bakanteng bench. "Kamusta na kaya ang Love ko." biglang sambit ni Jey habang hinihintay na tawagin ang kanyang country flight.
Panigurado ay matutuwa nito si Blake, alam niya na may babalikan pa siya dito dahil nagpropose na ito sa kanya kahit hindi pa nito suot ang proposal ring ni Blake.

Tiningnan niya ang likod ng kamay niya, wala siyang singsing na suot dahil wala pa siyang asawa ngunit sa pagbabalik niya ay magkakaroon na and he's exciting with that.

Balak niyang isurprise si Blake sa pag uwi niyang ito pati ang baby nilang si Xian.
Namili na rin siya ng pang regalo nito kay Blake dahil napagpasyahan nitong sa birthday niya na lang siya uuwi and this is his surprise to him.

Nang tinawag na ang pangalan ng bansang lalapagan nila ay mabilis silang naglakad papunta sa sinabing daanan nila para makapasok ng eroplano.

HINATID ni Blake si Xian sa school nito. Naiinis siya dahil wala na silang connection ni Jey, hindi niya mapigilang mag-alala sa kanya kahit na kasama nito ang mga magulang sa ibang bansa.

Hinalikan siya ng anak sa pisngi at maayos na nagpaalam sa kanya. Pinagpatuloy niya na ang pagmamaneho. "Jey, kailan ka ba kasi uuwi? Five years ng wala ka sa tabi ko. I can't live anymore. Wala ka man lang tawag or text sa akin. Do you still love me?" nanlalabo ang mga mata niya dahil sa namumuong luha doon. He just miss him so bad, nawawalan na din siya ng pag-asa.
Every night when he's lying on his bed ay palagi na lang siyang pinagtataksilan ng mga luha niya, sa shower ay namimiss niya na din siyang ka sabay na maligo, napakalakas talaga ng epekto ni Jey sa kanya ever since.

Pinawi niya ng mabilis ang luha niya nang makaparad na siya sa parking lot. Napasinghot-singhot pa siya at tiningnan ang mga mata sa salamin ng rearview, hindi naman iyon namumula at hindi din namumugto, kaya niya naman kahit papaano.

Kinuha niya na ang secured case niya at bumaba na. May bago kasi siyang empleyado, ibinagsak iyon sa kanya dahil galing itong VerNam corporation. That he found na magaling iyon dahil galing siyang VerNam corporation he knows kung sino man iyon ay propesyunal na siya. Magagaling kasi lahat ng empleyado ng VerNam at higit sa lahat ay walang palpak.

Umakyat na siya papuntang opisina niya, binati ito ng Sekretarya ngunit hindi siya rumesponde, parang dati lang.

Pabagsak siyang umupo sa swivel chair saka nagpakawala ng hininga, nilingon niya muna ang lamesa't upuan ni Jey na tahimik. Napanguso siya saka muling bumalik ang tingin sa lamesa niya at nanginginig na kinuha ang folder.

NILINGON ni Jey ang katabi niyang bata, malapit na silang pumasok sa eroplano dahil inanunsyo na nila iyon. Ilang oras na sila na naghihintay ngunit ayos lang naman iyon dahil hindi naman siya nagmamadali.
"Baby Yam. Get ready, okay? Malapit na tayo." tawag nito sa batang babae na nakatulog sa may tagiliran niya.

He softly moan and extend broad his arms. Marahan itong nagmulat. "Opo." sagot naman nito.

"Calling all the passenger of Thailand to Philippines please go to fifth door." muling tawag ng announcer.

Ito na din sa wakas. Wala ng bawian pa, aalis na siya. Dinukot niya muna ang phone niya saka may tinawagan.

"Hello."
Malamyos naman siyang tinugunan ng kausap niya sa ka bilang linya.
"Hello. Yes this is Jey? Haha nagulat ba kita? By the way, pasundo naman ako sa airport please. Uhm... Huwag mo sanang ipagsasabi kahit kanino, I have a trust on you." napangiting sabi nito habang pasakay ng eroplano. Bago pa lang siya papasukin ay pinapatay na ang phone niya dahil bawal iyon sa loob.

"I wanted to see you again my Love." mag-isang bulong niya habang maingat na umuupo sa bakanteng upuan kasama ang pamangkin nitong si Yam.

Hindi niya alam kung maluluha siya sa gayong emosyon, makikita niya na muli sa personal si Blake makikita niya na itong muli at sisiguraduhin niyang sa pagkikita nilang muli ay wala siyang sasayangin na oras para ipadama muli kay Blake ang pagmamahal niya na dati niya ng ibinigay at ipinadama sa tanong mahal niya, iyon ay si Blake Zander, ang nag-iisang taong minahal at pinagtuunan niya ng oras sa mahabang panahon.
"I'll be back Blake, I'll be back..."

***************END*************************************************

Boy's Love Wattpad Presents:
[BxB:1] You're My Hot Boss
(Series 1)
His Apprentice
(Word counts: 87,358)
Written by BHDemonse

Print by: Regine Salvasar
Book Binding: Euphorius Magno
Date of Writing: August 20, 2020
Date Published: December 15, 2020
Book Created: March 3, 2021

Self-Published Book
All Rights Reserved ®

🎉 Tapos mo nang basahin ang [BxB 1] You're My Hot Boss (His Apprrentice) (Published Under RPH) 🎉
[BxB 1] You're My Hot Boss (His Apprrentice) (Published Under RPH)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon