NAGISING si Blake na tahimik ang paligid. Inilibot niya ang kanyang paningin para kilalanin ang paligid niya at kung nasaan siya.
Patayo na siya ngunit bumagsak din lang dahil sa hangover dagdag pa ang sakit ng katawan niya."Hey! Good morning. Nice to see you."
Gulat naman na napatingin si Blake sa laptop na nasa lamesa. May babae doon at tila may kamukha siya. Napailing siya, kailangan niyang patayin ang tawag at baka malaman ni Jey na may kausap siyang babae. Mas mahirap na hindi na siya balikan pa nito."Hey, huwag mong patayin, paano kita matutulungan sa problems mo kung papatayan mo ako."
Sinamaan siya ng tingin ni Blake. Sino ba ito para sabihan siya, hindi niya nga ito kilala, unless may past relationship silang dalawa. "I don't talk to stranger, pasensya na Miss. Baka pagalitan ako ng asawa ko." pagsisinungaling niya. He was claiming na asawa niya na si Jey kahit wala siya ngayon. Kung nandito lang siya ay kanina pa siya nito hinila sa tainga.
"Talaga? What if sabihin ko kay Jey na stranger ang kapatid niya. OMG! Baka pagalitan ka 'nun tapos palitan ka ni--"
"Whatever! Hindi 'yun mangyayari, you're out of your mind. Saka bakit mo kilala si Jey?"
"Blake naman, ano na ba ang nangyayari sayo?" naawang tanong ni Jean habang kausap ito sa kanyang laptop.
Blake just tsked as an answer sabay iwas ng tingin. Bakit niya ito kilala gayong hindi pa siya nito nakita. Napapaisip na lang si Blake na stalker niya ang babae na 'to. Pero sorry na lang siya, kasi si Jey na ang mahal niya at wala ng iba pa."Jey! Halika pasok. Tuloy ka." ani Jean ng makita ang kanyang kapatid na nasa pinto, kararating lang niya.
Mabilis na lumingon si Blake sa screen ng marinig niya ang pangalan na iyon. "Where is he?" nabuhayang tanong naman ni Blake ng marinig ang pangalan ni Jey.
Sa totoo lang ay sabik niya na itong makita, makausap at mahalikan. Namiss niya na din itong asarin ng piggy, namiss niya na din itong kasabay na maligo, he miss everything to him at walang magbabago doon."Oh. Para maniwala ka na hindi ako stranger. Ito na po siya Sir Blake, halos hindi na kumakain." sabay pakita kay Jey na hila-hila ang kamay.
Pinakatitigan niya si Jey, iba na ang postura ng katawan niya. Pumayat ito ng kaunti, siguro tama nga sinabi ng kapatid niya.
Nahihiya namang tumingin si Jey kay Blake, napapakagat labi pa ito. Habang umalis naman muna si Jean para masolo niya itong makausap.
"Sagot o lagot?" bilang pamili ni Blake. Pinabayaan niya ang katawan niya. Paano naman kasi, hindi siya makakain sa kakaalala kay Blake at Xian.
Nagtakip naman si Jey ng mga mata saka inilinga na kay Blake na parang natatakot. "Sorry na po. Hindi ko na uulitin. Sabi ko nga lagot ako." pinilit pa ni Jey na magpatawa para lang hindi maiyak.
"Love please. Come back home now, I miss you so bad." sabay tutok nito ng kanyang mukha sa kanyang laptop. "Nakakainis naman eh. Hindi ka na umuwi. Wala na, dapat nga ikaw ang magcu-cut ng ribbon sa bahay natin." mapakla siyang napangiti.
"So sorry about that Love. Uuwi naman ako eh. Why namiss mo na ba ako? Parang two weeks pa lang naman--"
"Are you serious!? Are you kidding me? Parang two weeks lang? Matagal na din 'yun Jey. Alam mo naman na ayaw kong umaalis ka tapos hindi ka naman susulpot na umuwi." napalunok siya habang namamasa ang gilid ng mga mata niya.
BINABASA MO ANG
[BxB 1] You're My Hot Boss (His Apprrentice) (Published Under RPH)
RomanceThis story is not suitable for 18 below (Published Under Rainbow Publishing House) A hot and perfect man that everyone's dream, oozing with sex appeal that nobody can't deny it, his butterscotch eyes color that makes him more handsome, Blake Zander...