Chapter 5: The Moment Upon Him

959 75 8
                                        

A/N: (note: Pasensya na sa Bente 1 BI gc di ako makapag chat busy eh, kailangan din po kasi ang mag-UD lalo na at may ilan djn na sumusubaybay na mga readers.)
 

    GABI na at nakauwi na sila ni Blake, tapos ng makapaghanda si Jey ng kanilang dinner. Nag-alok na siya na ito na lang ang magluto kaya pinayagan naman siya ni Blake.

    Lumakad siya papunta sa pinto ng kuwarto ng kanyang Boss habang hamig ang kanyang pisngi matapos itong matalsikan ng kaunting mantika kanina.

    "Sir Blake kain na po..." Jey said sabay katok sa pinto ni Blake. 
    "Sir Blake?" he knock again, wala pa talagang nagbubukas. Tumagilid siya at itinapat niya ang kanyang tainga sa pinto para rinigin kung ano ang ginagawa nito sa loob.

    Napahaba ang kanyang nguso ng wala suyang marinig kaya muli niyang inayos ang pagkakatayo. "Sir--" tila naiwan sa ere ang kanyang sasabihin ng bigla itong bumukas at napalunok ito sa kanyang nakita.
    'Is this a dream?' namamanghang tanong niya sa kanyang isip. Tumambad kasi ang matipunong katawan ng boss niya.

    "Why?" tanong ni Blake, napataas pa ang isang kilay niya ng hindi siya nito sagutin, napangisi na lang si Blake dahil sa pagkakatingin sa kanya ni Jey na tila gulat na gulat ng husto. Napanganga si Jey ng marahan niyang ibaba ang kanyang maningas na tingin sa katawan ng kanyang boss.

    Sa pagkakataong iyon ay gusto man lang iyon mahawakan ni Jey ngunit bawal.

    "H-hey... Are you okay?" Blake concernly said habang nakangisi at kunot noo na nakatingin kay Jey na hanggang ngayon ay pinagpapantasyahan pa rin ang hubad niyang katawan.

    Hindi maikakaila ni Jey na maganda at nakakaakit ang katawan ni Blake, actually nakita niya na rin ang mga muscles ng dati niyang boss na si Grey noong may night pool party at is am a siya nito doon.

    Bigla namang bumalik sa kamalayan si Jey saka sinapok-sapok ang noo para magising na ulit.
    "Uhmm.." he said sabay iwas ng tingin dahil pakiramdam niya ang nag-iinit at namumula ang kanyang pisngi.

    Tiningnan lang ito ni Blake ng nagtatakang mga tingin at pasimpleng napangiti ngunit nagbawi din lang, hindi naman iyon nakita ni Jey.

    "K-kakain na po." nahihiyang sabi nito sapagkat pinaghanda niya na ito. Talaganv ginalingan ni Jey ang pagluluto dahil baka maayawan ni Blake.

    Napatangu-tango na lang si Blake saka tiningnana sa mga mata si Jey ngunit agad din siyang nag-iwas. "Okay sige magbibihis lang ako, mauna ka na sa baba." he smoothly said sabay marahang sarado niya ng pinto.

    Napasandal naman mula roon si Jey at marahang pumikit dinamdam ang mabilis na tibok ng puso saka ngumiti na para bang kinikilig.

    NAKAPAGBIHIS na si Blake, inayos niya ang laylayan ng nakalislis niyang suot na sando. Sandali siyang napangiti sa salamin saka tumalikod na.

    Bigla namang bumukas ni Blake ang pinto para sana lumabas na at sundan na si Jey sa dinning table. Naaligaga naman si Jey na kunwaring may kausap sa phone nito ng dagliang bumukas ang pinto. Nakasandal kasi ito sa hamba ng pinto at hinihintay si Blake na lumabas kahit hindi naman sa kanya sinabi na maghintay doon.

    "Okay, Bye..." kunwari'y paalam nito sa kausap kahit ang totoo ay wala naman talaga siyang kausap, palusot lang niya.

    Napasandal naman si Blake saka pinagkrus ang kanyang braso at tumingin kay Jey na parang aligagang pinatay ang cellphone sa kaba, it in ago niya ito sa bulsa ng short niya.

[BxB 1] You're My Hot Boss (His Apprrentice) (Published Under RPH)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon