Chapter 7: Convince To Come

863 70 5
                                        

Note: Before the story begin, Here is the short flashback when Blake asked to Jey if He love him. Back to the Chapter 5 ending.)

    "DO you love me?" gulat na tanong nito. 

    Napamaang naman sa nganga si Jey sa nakakagulantang na tanong ni Blake. 'Shit! Ano ba itong nasabi ko?!' panisi niya sa sarili.

    "Jey. Come on. gusto kong umamin ka sa akin." malamyos na saad ni Blake. Hinawakan niya sa balikat si Jey.

     Pinagpawisan naman ang noo ni Jey dahil wala na itong takas ni wala na rin syang maisip na dahilan. 'Shit naman! Ano? Aaminin ko na ba? Paano kung maturn off siya sa akin? Pagalitan niya ako? Palayasin dito at sa kumpanya?' kritical nitong pagiisip.

    Huminga ito ng malalim ng makapag isip isip na sya at kinalma ang sarili. Wala naman sigurong masama kung magsabi siya ng totoo. Kung ano man ang magiging sagot ni Blake ay tatanggapin niya ito,batid niya na baka hindi siya mahalin pabalik ni Blake dahil isa lang siyang hamak na empleyado.
    Kaya imbes na ikimkim pa ito ay ibubulgar niya na lang, agaran siyang tumangu-tango. He have a feeling to his Boss, wala namang masama lalo na at may karapatan din siyang magmahal kahit dalawa silang lalake.

    "Anong?" sabay gaya nito sa pag tango ni Jey. Masaya si Blake, nagtatakbuhan ang mga kabayo sa kaloob-looban niya na tila sasabog ito dahil sa labis labis na kasiyahan. Napakasuwerte niya at gusto din pala siya ni Jey.
    "Come on, say it." naghihintay na saad ni Blake.

    "Oo na nga sabi eh." sabay talikod nito kay Blake na mukhang nagtatampo but deep inside nahihiya ito. Para siyang nauupos na kandila dahil sa pag-amin niya na dapat ay hindi mangyayari. Bakit niya pa kasi nasabi ang three magic words na iyon?!

    "Talaga!" masayang panigurado ni Blake, hindi naman na maitatago iyon ni Jey dahil naispluk niya na iyon.

    "Oo nga sabi eh." namumulang sagot ni Jey na hanggang ngayon ay hindi pa din makaharap si Blake dahil pakiramdam niya ay hindi siya kayang mahalin pabalik ni Blake.
    Sa puntong ito ay gusto niyang maiyak pero pinigilan niya, ayaw niya naman talagang sabihin dahil tiyak na ni Jey ang sagot.

    "Parang di naman eh? Bakit ka nakatalikod?" pang-aasar nito, nararamdaman niya ang aura ni Jey. Nahihiya ito sa kanya alam iyon ni Blake, ngunit ano ang ikakahiya niya? Sa oras na ito ay gusto niya na itong yakapin ng mahigpit ngunit gusto niya pa ng matibay na kasiguraduhan.

   Humarap naman si Jey sa kanya na nagiinit ang magkabilang pisngi.

    "Uy! Nagbu-blush ka pala haha." hinampas naman siya ni Jey sa matipuno nitong braso dahil sa panukso nito sa kanya.
    "So? Tayo na ba?" tanong ni Blake na ikinabigla ni Jey, tumahip ang kanyang puso at tila nakaljnok siya ng matigas na bagay at bumara iyon sa lalamjnan ni Jey.

    Napalunok si Jey. "Ha! Anong tayo na? Agad!" gulat na wika nito ng mapagtanto ang sinabi ni Blake, pero kinikilig na ito sa kanyang kaloob-looban, ayaw niya lang gawin dahil mas lalo iyong nakakahiya at baka maghalupasay siya.

    And in a blink of an eye, Blake smoothly kiss him to his lips that makes Jey face reaction shock. Hindi niya alam kung anong klaseng sagot iyon ngunit parang nakaramdam siya ng kakaiba sa halik na iyon ni Blake at tila iyon ang sagot na hinahanap niya mula sa kanya.
    Sana lang ay tama siya ng hinala dahil wala siyang bukambibig na sagot na mahal niya rin ito.

[BxB 1] You're My Hot Boss (His Apprrentice) (Published Under RPH)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon