HINGAL na hingal si Jey nang makarating sila sa malaking gate na gawa lang sa matibay na kahoy, may salpak na straw ang labi habang sumisipsip ng buko juice, nakalimutan kasi ni Blake na magbaon ng tubig kanina.
Hawak niya ang kamay ni Jey saka hinila ito papasok sa loob. Mabuti na lang at walang pila, naalala ni Blake noon na mahaba ang pila dito tuwing weekends.
"Manong dalawang fishing pole po." ani Blake sa entrance ng Fishing area, hawak niya lang si Jey sa kamay baka kung saan na naman kasi siya maglikot at baka mawala.
"Pumili ka na lang doon totoy." sabay turo nito sa mga nakabalandrang pamingwit na may nakasupot na para sa pa-in sa isda.
Kamuntik pa tuloy maibugso ni Jey ang iniinom niya dahil sa pagtawag kay Blake na totoy. Totoy pa siya sa lagay na 'yan. Sa isip-isip niya ay tinatawanan niya si Blake. Pinipigilan niya lang at baka bigla siyang sabihan ng baliw.
Sinundan niya na lang ng tingin si Blake na kumukuha ng fishing pole nang bigla siyang senyasan nito para pumasok na sa loob.
"Love marunong ka ba?" tanong nito. Iba naman ang naisip ni Jey sa tanong na iyon ngunit pinigilan niya lang ang kanyang labi na sabihin ang naisip niyang kahibangan.
Inubos niya muna ang iniinom saka tinapon sa madadaanan nilang basurahan. "Nagtanong ka pa, syempre naman." sabay hablot nito sa isang fishing pole na hawak ni Blake. Marunong naman talaga ito kaso nga lang sa pagpapaubos ng pa-in sa isda.
Lumakad pa sila ng ilang metro lang ang layo, mula sa isang puno ay nahagip na nila ang malawak na palaisdaan. May mga wooden bridge din sa ibabaw ng tubing, may mga Ilang din na narito ngunit couples naman at tila naghaharutan lang ang ginagawa.
"Play tayo Love." biglang sabi ni Blake na napahinto na sa lilim ng puno, kinalas niya ang pagkakapulupot ng tali saka inumpisan niyang lagyan ng pagkain matalim na double hook ng fishing pole.
"Ano naman?" tanong naman ni Jey na napaupo para gayahin ang ginagawa ni Blake.
Tiningnan niya si Jey na seryosong naglalagay ng pa-in sa hook niya. "Paramihan tayo ng mahuling isda." sabay ngisi ni Blake na may babalakin.
"And then? Alam ko may punishment na naman 'yan." mabilis na sagot ni Jey kaya napatawa naman si Blake. Iyon agad ang sumagi sa isip ni Jey dahil ganon ang mga galawan ni Blake.
"Sige na, for fun lang. Para naman hindi tayo maboring dito."
"What is the punishment first before I agree?" tanong nito ng mailagay na ang pa-in, tiningnan niya na si Blake na sandaling napaisip kung anong punishment ang gagawin for the loser.
Tiningnan lang niya ito na tila naghihintay ng sagot mula sa kanya. Napangiti naman si Blake ng makaisip na para sa punishment. Sumenyas siya para lumapit sa kanya si Jey.
Tumagilid ito at inilapit ang kanyang tainga para paringgan ang plano ni Blake. Binulalas naman iyon ni Blake sa mahinang bulong lang.
"Okay, Deal!" pagsang-ayon agad ni Jey. Kailangan niyang galingan kung ganon nga ang punishment ng matalo.
"I swear Love hindi ka mananalo." Blake's strike an evil laugh. Batid niya na hindi mananalo si Jey sa kanya lalo na at marunong ito noon pa lang kasama ang Uncle niya.
"Huwag kang pasigurado, and most of all huwag ka din munang magsaya. Totoy." seryosong sambit nito, at biglang bulalas ng tawa nang maalala ang pagtawag ni Manong sa kanya kanila ng totoy.
Irita naman na hinarap ni Blake ang lawa, iwinasiwas niya ang pole at hinayaan na makawala ang tali at ang hook na mabilis na kinain ng may kalaliman na ilog.
BINABASA MO ANG
[BxB 1] You're My Hot Boss (His Apprrentice) (Published Under RPH)
RomanceThis story is not suitable for 18 below (Published Under Rainbow Publishing House) A hot and perfect man that everyone's dream, oozing with sex appeal that nobody can't deny it, his butterscotch eyes color that makes him more handsome, Blake Zander...
![[BxB 1] You're My Hot Boss (His Apprrentice) (Published Under RPH)](https://img.wattpad.com/cover/219410167-64-k460643.jpg)