"UHH? Boss..." nagdadalawang isip nitong tawag habang nakasakay sila sa elevator ni Blake na walang kibo at tila walang naalalang kasama.
Lumingon naman ito at tumingin sa kanya.
"Pwedeng magtanong? Saan po tayo pupunta?" usyoso nito sa kanyang boss. Sana lang ay hindi ito magalit dahil sa pagiging matankng niya. Ngayon lang naman siya nagtanong dahil magmula kanina ay hindi niya man lang ito nakausap kahit sandali.
Lumingon siya kay Jey at makalmang sumagot. "Sa condo. Why?" tipid nitong sagot sabay tingin muli sa pinto ng elevator.
Jey gasp an air for a while, napalunok din siya sa malamlam na boses ni Blake. "C-con-do?!" pagkaklaro at gulat nitong sambit.
Napairap naman si Blake ngunit ang totoo ay natutuwa siya at magiging close na din sila nito sa isa't-isa na mas ikakatuwa ni Blake kung sakaling mangyari man iyon.
"Sinabi ko na diba... Tsk!" he said sarcastically, hindi niya iyon ipapahalata kay Jey.Bigla namang napantastikuhan si Jey sa sinabi ng boss nito sabay kinikilig siyang umiwas ng tingin sa kanya para hindi din ito mahalata.
Pakiramdam niya ay pinamumulahan siya ng pisngi dahil nagpapaulit ulit na naglalaro ang mga salitang pinakawalan ni Blake kanina lamang.Seryoso ba sya? Ano kayang gagawin namin doon? C-condo d-daw? Hell! Tanong nito sa kanyang isip ng bigla na namang magsalita ang kanyang katabi.
"Since apprentice na kita, doon ka na titira sa condo unit ko until hindi ka nag leleave bilang apprentice ko." salaysay ni Blake, gusto ng himatayin ni Jey,may tila butterflies na nagliliparan sa loob ng puson niya. May ganon? tanong ulit nito sa isip niya.
"Eh boss p--" Blake cut his word.
"Don't you ever call me Boss again! You can just call me Blake or Zander or whatever suits you!" naiinis nitong sabi. Kaya naman napaayos ng tayo si Jey saka napalunok ng marahas dahil sa pagtaas ng boses ni Blake.
"O-okay..." nanginginig nitong sagot saka napakamot na lang sa kanyang sentido.
Muli siyang tumingin kay Blake. "Uhh.. paano po pag nasa office? Can I call you sir Blake?" anito ngunit pag-iling lang ang sinagot ng kanyang Boss."Uhhmm. Si-este Blake? Paano 'yung mga gamit ko sa isa kong condo?" saad nito sa mahinang boses. Parang ang sarap sa pakiramdam ni Jey na tawagin na lang ito sa pangalan lang ni Blake ngunit may konting ilang lang sa kanya dahil maiissue na naman siya kapag nalaman na Blake lang ginagamit niyang pangalan sa kanilang Boss.
"Daanan na lang natin... samahan na kita." seryoso nitong sagot. Tumango na lang si Jey dahil hindi niya na kayang kausapin pa ang kanyang boss dahil na rin sa kilig.
Pagkababa nila sa parking lot ay tinungo na nila agad ang sasakyan ni Blake, walang kotse si Jey dahil mas enjoy niya ang pag-commute. As his daily routines tuwing papasok siya ng trabaho.
Pinagana na ni Blake ang sasakyan saka pinaandar na nito agad, masaya si Blake na hindi siya kinontra ni Jey sa pagtira niya sa condo niya.
ILANG oras pa ay natanaw na nila ang kinatitirikan ng tinitirhang condo ni Jey, malaki din naman ito at afford naman ni Jey ang bayarin dahil malaki din naman ang suweldo niya sa pagtatrabaho.
Nagumpisa na silang sumakay sa elevator, naiilang lang siya dahil nakatingin sa kanya si Blake kaya hindi niya tuloy masulyapan ang guwapong mukha nito.
BINABASA MO ANG
[BxB 1] You're My Hot Boss (His Apprrentice) (Published Under RPH)
RomanceThis story is not suitable for 18 below (Published Under Rainbow Publishing House) A hot and perfect man that everyone's dream, oozing with sex appeal that nobody can't deny it, his butterscotch eyes color that makes him more handsome, Blake Zander...