"Sobrang saya ko nung makilala kita. Hindi ko na mabilang sa daliri ko kung ilang beses mo na kong pinasaya ng sobra sobra. Thankyou dahil nakilala kita, siguro hanggang dito nalang talaga tayo. Kasi alam ko na kaibigan lang talaga ko sa paningin mo. Mahal kita, at mas lalong lumalalim yung pagmamahal na yon habang kasama kita. Yeah i know this is stupid, sorry E'em. Hindi ko kayang makita kang masaya sa piling ng iba. It hurt's me a lot, i'm going to America na, dun na gusto ni Daddy na magpatuloy ako ng pag-aaral. Sobrang naapektuhan ako sa lahat and i'm really really sorry. Sana maging masaya ka, at sana sa pag balik ko bestfriends parin tayo ha mamimiss kita".
Maxene Santiago
"Well may pa ganyan ka palang letter ha! Sobrang nakakatawa!" sabi ni sarah habang tinititigan ang aking laptop.
"Hello?! First year college pa ko niyan, and 7 years nang nakakalipas." sabi ko habang nagsusuklay ako sa aking kwarto.
"Sobrang tagal na pala, so kamusta kayo ngayon?." habang pinagmamasdan niya ang letter sa laptop ko.
Huminto ako sa pagsusuklay at napatingin ako sa kanya sa harap ng salamin kung saan tanaw at kita ko siya doon.
"7 years no calls, 7 years no talking to each other, and i don't even know his social account, as in wala." sabi ko hanggang sa tinuloy ko na ang aking pag susuklay.
"Hinanap mo ba?" sabi ni Sarah sabay taas ng kanyang kanang kilay.
"Ofcourse not, bakit ko pa siya guguluhin kung masaya na siya sa iba? Baka nga mamaya may asawa na yun dun. As in wala akong balita sa kanya." Tumayo ako at inayos ko ang aking damit dahil aalis kami ni Sarah para mag dinner sa labas.
"Hmmmm, nabasa niya ba ang email mo noon?" tanong ulit ni Sarah habang sinasara na niya ang aking laptop.
"I don't know, 7 years na walang response? Sapalagay ko nabasa niya pero inignore nalang niya. Dibale na" sabi ko.
"So kelan balik mo ng pinas?" tumayo siya sa harap ko ng naka pa mewang.
"2 weeks after, baka lumipat narin ako doon. Kailangan ng Doctor sa Pinas, nag submit narin ako ng Resignation letter." habang nagwiwisik ako ng pabango.
Tumaas nanaman ang kilay ni Sarah na parang hindi natutuwa sa sinabi ko sa kanya.
"Mababa sahod dun Doc right? Unlike dito, bakit kailangan mo pa umalis?."
Nagbuntong hininga ako, at tumingin sa kanya.
"I know, but my Lolo said kapag naging Doctor na ko sa ibang bansa, huwag kong iwan ang sarili kong bansa kung saan ako pinanganak. At tska pwede naman akong bumalik dito anytime i want." sabay kuha ng bag sa aking kama.
"Kainis ka namn Doc eh! Kaya pala panay punta mo sa Head Office, at kaya pala lagi mo kausap si President, yun pala aalis kana!."
Sa mukha palang ni Sarah alam kong malulungkot siya sa pag alis ko, pero hindi ako nagpahalata na malulungkot din ako dahil iiwan ko siya dito.
"Mga anak? Maxene at Sarah??."
Sabay katok ni Mommy sa pintuan ng aking kwarto.
"Yes mom?."
"Mainit na ang sasakyan anak, tara na labas na kayo diyan."
BINABASA MO ANG
Hanggang Sa Huli
RomanceAng istorya na ito ay kung paano nagsimula o nabuo ang Love at kung paano ito at kung saan ito magwawakas. Pag ibig ang dahilan. Love is a choice, Love is powerful. How can you end the LOVE?