Ang Pagtanggap

363 7 0
                                    

Alas onse na ng umaga nang umalis ako at para magpumunta ng mall para mamili ng mga damit ko. Hindi ko rin inaasahan na makikita ko ang kabit ng daddy ko. (Ang sama ko ba sa part na yon?) yun lang ang magandang pangalan na maitatawag ko sa kanya ngayon!

"Nakakainis talaga! Ganito lang pala niya ilustay ang pera ng daddy ko! At eto namang daddy ko uto uto!." sabi ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ko siya sa malayo na pumasok sa isang boutique sa Mall.

"At ang mamahal ng mga pinamimili niya, i can't imagine she can waste 100 thousand a day, dapat sa babaeng yan turuan ng leksyon! Kung ano man yon.. Kailangan kong pag-aralan kung paano." determinadong sabi ko sa sarili ko.

Lumayo ako at naglibot, nagsama ako ng body guard ko para naman maalalayan ako sa mga pinamili ko. Nang makatapos na ko sa mga pinamili ko ay nagtungo ako sa isang Coffee shop para umorder ng Java chip na Frappe at dalawang slice ng favorite kong blueberry cheesecake, at umuwi na ko.

Nang makarating ako sa bahay, sakto namang dating din ng babaeng kabit na yon! Nauna akong bumaba dala ang inorder kong pagkain, at siya naman ay bumaba din na dala ang 7 paper bag na nakalagay pa sa kanyang braso.

"Haaaay nako ang dami kong pinamili!." sigaw niya at pagpaparinig sakin, halata naman dahil hindi niya ko inaalisan ng tingin. Asar talaga!

"Kuya patulong naman nung mga pinamili ko sa likod." utos ko sa body guard na kasama ko. Nang magsalita ang kabit..

"Bakit mo pa iuutos sa body guard mo? Kung iilang piraso lang naman ang pinamili mo?." ngumisi siya ng nakaka irita.

Pero hindi niya alam na nasa triple pa ang mga pinamili ko kesa sa kanya. Nang mabuhat lahat ng body guard ko papasok ay nabakas sa mukha niya ang pagkahiya at nangangalit ang kanyang mga ngipin na para akong kakainin ng buhay. Dumaan ako sa harapan niya dala parin ang mga pagkain na inorder ko kanina lamang.

"Excuse me, nakakaabala ka sa daraanan ko." mahinahon at malumanay na tingin na may halong pagtataray ko sa kabit ng daddy ko.

Alam ko sa mga oras na yun gusto na niya kong sabunutan, pero hindi niya pwedeng gawin sakin yun, dahil nasa pamamahay ko siya. Kahit si daddy walang magagawa na palayasin ko siya dahil pinamana na sakin to ng lolo ko. Asar! Hindi naman ganito ugali ko, pero sa tindi ng pinagdaanan ni mommy, hindi ko lubos maisip na magpatawad sa kagaya niyang higad at retokada ang mukha!

CARMELA POV

Noong dumating siya dito, binastos na niya ko agad! Ang kapal ng pagmumukha niyang yon! Nakaka gigil siya! Oo professional nga siya. Pero mas professional ako dahil napa sakin si Teodor ang daddy niya ng walang kahirap hirap, at ngayon nakahiga ako sa kwarto na mala palasyo ang itsura. Spoiled brat tong anak niya na to ha!

Nagpunta ako ng mall para mamili ng mga damit ko, at para narin mapalitan ang mga medyo maluluma kong mga damit. Nang pauwi na ko, hindi ko namalayan na magkasunuran lang pala kami ng malditang yon! Bumaba ako ng sasakyan at dala ang aking mga pinamili.

"Haaaay nako ang dami kong pinamili!." sigaw ko sa kanya nang bumaba siya sa kanyang kotse. Talagang ipagyayabang ko sa kanya to dahil alam ko na mas higit akong mahal ng daddy niya kesa sa kanya. Hindi naman niya ako bibigyan lagi ng pera para mag shopping kung hindi niya ko mahal diba? Lalo pa ngayon at pinupuno nanaman ng honey ko ang card ko para hindi na ko magdadala ng cash.

Narinig ko siyang nagsalita.

"Kuya patulong naman nung mga pinamili ko sa likod." sabi niya sa body guard na kasama niya.

Aba, akala mo naman maraming pinamili! At akala mo naman kung sinong maraming pera. Tignan natin alam kong ilang araw lang ay mawawalan ka din ng pera. (sabi ko sa sarili ko)

Hanggang Sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon