MAXENE's POV
"Excited kanaba?." sabi sakin ni Lexivir habang bumabyahe kami papunta sa resort nila sa Pangasinan.
"Yes, lalo na nandyan ka." at ngumiti ako sa kanya.
Drive ni Lexivir ang sasakyan naming Land Cruiser, at ang dala nila daddy mommy at maxwell ay ang artista van na pinasadya pa ni daddy na gawing mukhang hotel ang loob ng van para naman marelax kung sino man ang gagamit non.
"Bakit ikaw pa nag drive? Pwede naman ako tumawag ng driver." sabi ko dito
Kinuha niya ang aking kaliwang kamay, at hinalikan niya ang likod ng palad ko.
"Because i want to be with you, feeling ko kasi mas marami akong lakas kung katabi kita at solo kita." sabi nito, at bigla akong namula sa sinabi niya.
"Tska ilang araw nalang ako dito, para marami akong baon pagbalik ko ng America." sabi nito
"Ikaw ba? Kelan mo ko babalikan dun? Panigurado taon pa ulit ang bibilangin bago ako makapag leave ulit. Gusto ko sana makita ka at makasama ka araw araw." sabi nito at hindi parin niya binibitawan ang kamay ko.
"Hindi ko pa alam, malay mo naman puntahan kita dun? Tska uuwi pa naman sila mommy doon sa America, hindi sila magsstay dito ng matagal dahil nakahanap na ng work si Maxwel dun." sabi ko
Tinignan ko siya dahil hindi ito nakasagot agad sa mga sinabi ko.
"A-ano kaba Lex, huwag kanang malungkot. syempre boyfriend kita kaya pupuntahan at pupuntahan kita doon kahit anong mangyari." sabi ko
"Hindi mo ko tinawag na Love." sabi nito at sandali itong sumulyap sakin.
"Ah eh sorry love, nasanay kasi ako sa pangalan mo eh." sabi ko at napakamot na lamang ako ng ulo.
"Okay lang love, basta huwag mo nang kalimutan ha. I love you" sabi nito
"I love you too."
Masasanay na ulit ako, at sana magtuloy tuloy na. Ayoko nang masaktan pa ulit.
Dahil sa haba ng biyahe, hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nang magising ako, nag stop over pala kami pero ako nalang ang nasa sasakyan.
"Nasan na yun." sabi ko sa sarili ko
Nag-ayos lang ako ng konti, para pagbalik ni Lexivir maganda na ulit ako.
Maya maya lang ay dumadating na siya na may dalang pagkain.
"Hi! Kain muna tayo, eto dinalhan kita ng favorite mong frappe tapos blueberry cheesecake, gusto mo ba mag rice or okay na to sayo?." pagtatanong nito habang inaayos niya ang mga dala niya.
"Okay na yan, wala pa kong ganang mag rice ngayon." sabi ko
Sabay na kaming kumain sa loob ng sasakyan.
"Grabe!!! Ang sarap talaga!! Namiss ko to." sabi ko
"Ikaw namiss ko." sabi ni Lex, kaya napatingin ako sa kanya at bigla niya akong kinindatan.
"Tumigil ka nga dyan! Napaka pilyo mo talaga!." at tumawa siya.
"You're so cute! Lalo na kapag inaasar ka, sobrang nagbablush ka eh." at muli itong tumawa.
"Walang nakakatuwa ah! Dali na kumain na tayo."
Tinagilid ko ang ulo ko, para di niya mahalata na kinilig ako ng konti.
Habang binabaybay namin ang kahabaan ng biyahe. Bigla ko siyang tinignan, pero saglit na saglit lang.
"Masaya ako noong unang maging tayo, minahal kita. Pero bakit ganun? May bumabagabag parin sa puso ko, ang dami kong tanong sa isip ko." sabi ko sa sarili ko
BINABASA MO ANG
Hanggang Sa Huli
RomanceAng istorya na ito ay kung paano nagsimula o nabuo ang Love at kung paano ito at kung saan ito magwawakas. Pag ibig ang dahilan. Love is a choice, Love is powerful. How can you end the LOVE?