MAXENE's POV
"Anak, yung mga papers sa table ko yun yung mga client na pwedeng pumunta ano mang araw na wala ako. Hanapin mo si Sheryl ang secretary ko para e-guide ka doon, and pwede ka magtanong sa kanya ng kahit ano." sabi niya
"Okay. Ano pa? Sabihin niyo na sakin para di na kayo tatawagan kapag nasa ibang bansa na kayo." sabi ko sa malumanay na salita.
Nakaupo kami sa may garden, pinag uusapan namin ang mga bagay na gagawin ko kapag nasa ibang bansa na siya. Dalawang linggo lang siya mawawala, kaya kailangan matapos ko to ng maayos para makapag travel pa ko bago ako pumasok ulit ng Hospital.
"May meeting din ako, basahin mo lang yung guidelines alam ko maiintindihan mo iyon dahil gamot naman ang binebenta natin. Ididiscuss doon kung paano palalawakin pa ang bentahan ng gamot sa iba't ibang lugar. Kung paano gagawin, wala ka namang dapat ikabahala doon dahil makikinig ka lang. But if you have a great suggestions na mabibigay sa kanila sa oras ng meeting pwede mo iyon sabihin sa kanila." sabi niya habang nilalabas niya ang cheque book sa kanyang bag.
"Ngayon tatawagan ko si Sheryl para sabihin na gabayan ka bukas."
"No dad, wala kayong dapat sabihin kung sino ako doon. Ako na po bahala." sabi ko, patayo na dapat ako ng pigilan niya ko.
"Sandali." pinirmahan niya ang cheque na hawak niya at binigay niya ito sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita, 1 million pesos?
"Anong gagawin ko dito?." tanong ko sa kanya.
"Pang travel mo, pwede mo na yan palitan ikaw na bahala." sabi niya
"Sorry pero hindi ko kailangan niyan." inaabot ko sa kanya ang cheque.
"Sayo yan, inilaan ko iyan para sayo. Kaya kung kulang pa yan sabihan mo lang ako." sabi niya
"Dad, marami akong ganito. Hindi ko na kailangan nito." sabi ko uli sa kanya
"Hindi ko na matatanggap yan. Ikaw na bahala diyan, sige na at mag aayos na ko, flight na namin mamaya kaya kailangan makapag ayos na ko." sabi niya, nang tumayo siya
"Dad, yung babae mo- i mean, yun nga yung nakikitira dito sa bahay. Anong gagawin niya pag wala kayo?." sabi ko at yumuko ako.
"Pumupunta rin siya sa company, madalas siya doon sa office ko. Binaggit ko sa kanya na ikaw ang mag aayos ng mga meetings at client ko."
"Ano sabi niya?." tanong ko, nang bigla niya akong talikuran.
"Anak, may tiwala ako sayo. Mas higit na may karapatan ka don, lalo na kayong dalawa ni Maxwel. Wala nang iba." at tuluyan na itong umalis at pumasok na ng bahay.
Nung gabi din na yon, nakaalis na si Daddy. Kami nalang ng mga katulong at ang kabit ang nasa bahay.
Kinabukasan..
"Aling nene, paki sabi naman po kay Mang Bert na ihanda na ang kotse ko. Ipagdrive nya ko papunta sa office ni Daddy." sabi ko
Nang makabalik si Aling nene, nagtataka ako dahil tahimik ang bahay.
"Nga pala Aling Nene, yung babae? Nasaan na siya?." tanong ko habang nag aalmusal.
"Ah yun ba, maaga siyang umalis at pupunta daw sa opisina." sabi nito
"Ang babaeng yon!." sabi ko sa sarili ko.
"Ah ganun po ba, sige po." ngumiti ako sa kanya
Naligo ako at nag ayos narin para pumasok sa opisina. Simple lang ang aking suot pamasok ng opisina. Naka pants ako na itim na itim, at naka 3/4 na polo na puti na medyo manipis lang ang tela, pero hindi naman kita masyado ang kalooban ko, at nagsuot ako ng 2 inch na heels. Nag pony tail din ako at nag blush on lang ng konti. Hindi ko na kailangang mag lipstick dahil natural na pinkish ang mga labi ko. Kinuha ko narin ang bag ko para makaalis na. Pag sakay ko ng sasakyan..
BINABASA MO ANG
Hanggang Sa Huli
Roman d'amourAng istorya na ito ay kung paano nagsimula o nabuo ang Love at kung paano ito at kung saan ito magwawakas. Pag ibig ang dahilan. Love is a choice, Love is powerful. How can you end the LOVE?