"Chapter 2"

386 6 0
                                    

LEXIVIR POV

Papasok na ko sa Hospital, alam ko ito na yung huling araw ni Maxene sa Hospital. Naiinis ako sa sarili ko dahil wrong timing ako! Kung kailan bumalik na ko ng America, para makita at makabawi sa kanya, siya naman tong aalis.

Nagpaparty sila sa opisina dahil huling araw na ni Maxene.

"Huy! Lexivir! Tara na at pumasok kana!." sabi sakin ni Sarah na pilit akong hinahatak papasok sa opisina kung saan naroon si Maxene.

"Ah eh hindi na Sarah, thankyou kailangan ko narin kasing umuwi." ngumiti ako sa kanya.

"Sigurado kaba? Di kana papasok?." sabi niya ulit sakin.

"Hindi na, salamat nalang, ahm nga pala pwede makahingi ng isang pabor?."

Umuwi ako kaagad. At dala parin ang kalungkutan, okey na ko sa makita ko siya sa malayo na masaya, na nakangiti. Sobrang simple at ganda niya talaga. Bakit ko ba ginawa sa kanya yung mga bagay na yon? Kung nakapag paalam lang ako sa kanya noon. Alam ko maiintindihan nya ko, ang tanga tanga ko talaga!

Nung gabi na yon, ay pumunta ako sa bar nagchill lang ako dahil hindi ko matanggap na aalis na siya, at hindi man lang ako nakabawi sa lahat lahat. Malapit na ako sa bahay ng may mapansin akong sasakyan sa tapat ng bahay namin. Hindi ko mamukhaan ang sasakyan, at ngayon ko lang nakita. Inalala ko na baka bisita ni Mommy. Pumasok ako sa loob nang may marinig akong pamilyar na boses ng babae.

"Iho, nandito kana pala!." bati sakin ni mommy

"Ah Hi Lex, how are you?." ngumiti siya sakin

Lumapit siya sakin at niyakap niya ko.

"Hazel? What are you doing here?." sabi ko na takang taka parin

"Ofcourse i'm miss you so much babe." pahigpit na pahigpit ang yakap niya sakin.

"Stop please! Stop! Get out of here!" pagtataboy ko sa kanya.

Matagal ko nang tinapos ang amin, naging kami noong isang taon na kaming wala ni Maxene, bago ako umuwi dito ay tinapos ko na ang ugnayan ko sa kanya. Nakilala ko siya noong nag aaral ako. Psychologist ang kinuha niya noon. Tumagal ang relasyon namin ng 2 taon. Dahil yun ang kagustuhan ni Daddy, ni hindi ko nga sya kinakausap sa loob ng 2 taon.

"Iho! Huwag kang ganyan kay Hazel! Pambabastos yang ginagawa mo!" sigaw sakin ni Mommy.

Sa sobrang inis ko, pumasok ako sa loob ng kwarto at iniwan ko sila sa sala. Nangako ako sa sarili ko na babalikan ko si Maxene at hindi siya. Hindi na ako bata para magulang ko ang magdesisyon sa buhay ko ngayon. Siguro tama to, ako naman ang magdedesisyon para sa sarili ko.

MAXENE's POV

Lumapag na ang eroplano at nandito na ko sa Naia. Habang naglalakad ako ay natatanaw ko na si Mang bert, ang driver namin simula bata pa ko, kinakawayan nya ko mula sa malayo, at sobrang saya ko nang makita ko siya.

"Mang bert!!!!!!" sigaw ko sa kanya habang papalit ako.

"Iha! Grabe ang ganda ganda naman ni Mam maxene! Kamusta kana? Ang tagal nating hindi nagkita." habang kinukuha niya ang mga gamit ko.

"Okey lang naman po ako, grabe ang laki ng pinagbago nyo! Lalo kayong bumata!." biro ko sa kanya at nagtawanan kami.

"Ikaw talagang bata ka! Wala kang pagbabago, makulit at mabait parin."

Habang nasa biyahe kami, grabe hindi ko akalain na nasa pilipinas na ko! Ang tagal ng panahon narin, bata pa ko nun. Ang dami nang nagbago. Miss na miss ko narin ang dati kong kwarto! Excited na ko umuwi.

Hanggang Sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon