Letter

150 3 0
                                    

MAXENE's POV

"Sarah, sorry kung naabala kita. Nag-aalala lang ako kasi tatlong araw nang hindi nagpaparamdam si Lex sakin." sabi ko kay Sarah sa videocall

Off nya ngayon kaya wala siyang duty, kaya nakapag usap kami.

"K-kasi, baka may problema lang?." sabi nito

"Like what? Nag-aalala na ko at baka maulit nanaman yung dati ayoko nang masaktan Sarah alam mo yan." sabi ko

Huminga ito ng malalim.

"Maxene, makinig ka sakin." sabi nito sa seryosong mukha.

Sa point na to, alam ko kung nagbibiro siya o hindi kaya naman bigla akong kinabahan sa inasta niya sakin ngayon.

"Don't tell Lex about this." sabi nito

"A-ano yun?." tanong ko

"I heard last time, may kausap siya sa office. Alam mo yung nakikipag talo siya? I don't know. Ayoko mag-isip ng kung ano Max but he act so weird in the past few days, tapos nagtago ako sa gilid kasi parang magbubukas yung pinto niya. Tapos nakita ko babae yung lumabas, i did'nt see the girl before." sabi nito

Hindi ako nakapag salita.

"Who's that girl? Baka naman client of what?." sabi ko

Pilit kong kinakalma ang sarili ko lalo na at wala pa kong ebidensya.

"I don't know Max, nung time na yun wala namang masyadong tao. Tapos yung babae malungkot na lumabas sa office niya." sabi nito

"A-ano itsura ng babae?." tanong ko dito

"Maganda siya Max, pero syempre mas maganda ka. Please max!."

"Huwag ka muna gumawa ng hakbang lalo na at wala pa tayong pruweba or anything na mapu-proof na may babae ba sya or what, haaaays i'm sorry for that words Max. Nakokonsensya ako kasi ang tagal bago ko to nasabi sayo." sabi nito

"It's okay. Balitaan kita kung magpapatamdam sya ngayong araw okay? Sige na at magpahinga kana. Thankyou so much Sarah, take care always." sabi ko

Pagkababa ng phone, bigla akong nanghina.

"Ano bang dahilan mo para gawin sakin to Lex? Ano bang kasalanan ko sayo?! Tell me what?!!!!." sabi ko sa sarili ko

Pero mali to na nag-iisip ako ng hindi maganda. Pilit kong kinakalma ang sarili ko dahil ayokong ma stress ulit.

LEXIVIR'a POV

"What if malaman to ni Maxene? Hindi ako nag cheat sa kanya! Never! Natatakot ako. Natatakot ako na baka mawala nanaman siya sakin pag nagkataon." sabi ko sa sarili ko

Nasa opisina ako at gulong gulo ang isipan. Hindi ako maka focus sa trabaho dahil sa nangyari noong isang gabi.

"I can't believe na siya ang katabi ko pag gising ko. A-akala ko si Maxene!." huminga ako ng malalim at napayuko na lang.

Ang daming pumapasok sa isip ko, paano kung.. paano kung nakabuo pala kami? Paano na?!! A-ano sasabihin ko kay Maxene? A-anong gagawin ko?!!

Hawak ang aking cellphone. Agad kong tinext si Hazel para makipagkita sa kanya at para narin makausap siya.

"Ayoko ng ganito, kung pwede ipalalaglag niya." sabi ko sa sarili ko

"Magkita tayo ngayon." sabi ko sa text na ipinasa sa kanya.

Naisipan kong pumunta sa lugar kung saan madalas kami tumambay ni Maxene noon, sa may bundok.

Doon kami lang dalawa ang makakapag-usap at walang makakarinig samin.

Hanggang Sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon