Let You Go

213 5 1
                                    

E'EM's POV

"Mahal na mahal kita! Matagal ko nang gustong sabihin sayo to pero naduduwag ako!" sabi ko kay Maxene

"M-mahal din naman kita E'em, noon pa diba? Pero bakit?! Uuwi ka dito mababalitaan kong ikakasal kana?." sabi nito habang patuloy siyang umiiyak

"S-sorry, ang akala ko kasi hindi kana babalik dito." lumapit ako sa kanya para yakapin siya

"Hinintay kita kaya bakit ako hindi babalik?." sabi nito na patuloy parin sa pag-iyak

"Hihiwalayan ko si Chloe para sayo."

"Shhh stop crying na, nandito na ko. Magsimula tayo ulit okay mahal na mahal kita." sabi ko

"Mahal na mahal din kita E'em." at hinalikan ko siya sa kanyang mga labi.

"Kuya?! Huy! Kuya!!."

Nagising akong bigla nang gisingin ako ni Elvin, agad akong napabalikwas.

"Panaginip lang pala kala ko totoo na!." sabi ko sa sarili ko

"Mag aalmusal na daw sabi ni Mommy, tska si Chloe naghihintay na sa labas." sabi nito

"Ah okay sige, susunod na ko." sabi ko

Nang makaalis na si Elvin, bumuntong hininga ako ng malalim at ngumiti.

"Sayang! Akala ko totoo na." sabi ko sa sarili ko.

Nang makapunta na ko sa baba.

"Goodmorning babe, oh akala ko ba magbbreakfast tayo? Nasaan si Mommy?." pagtatanong ko.

"Ah doon ulit tayo magbbreakfast kila Maxene, last day na kasi nila ngayong araw tapos bukas uuwi na sila." sabi nito

Hindi na ko sumagot. Habang naglalakad kami sa tabing dagat, natanaw ko sa di kalayuan kung saan kami kumain kagabi sila Lex Maxene. Yakap yakap ni Lex si Maxene sa likod at ang saya saya nila.

Bigla akong nakaramdam ng selos pero pinipigilan ko lang sarili ko.

"Babe sila Maxene oh! Ang sweet nila." sabi ni Chloe

Hindi ako sumagot, napahinto ako sa paglalakad at hinayaang mauna si Chloe papalapit kila Maxene.

"Ako dapat yun, ako dapat yung nasa pwesto ni Lex ngayon! Bakit?! Bakit?!!." sabi ko sa sarili ko.

"Babe! Halika na dito!!." sigaw ni Chloe

"Goodmorning Bro!." sabi ni Lex

Pinilit kong bumati.

"G-goodmorning!." sabi ko

Hindi nakatingin si Maxene sakin, pero ano pa nga ba ang aasahan ko.

Napailing na lamang ako nang maalalang ikakasal na ko kay Chloe.

MAXENE's POV

"Ako na mag aasikaso sayo umupo ka at ako ang kukuha ng pagkain mo." sabi ko kay Lex

"Anak, baka mamaya eh bigla nalang hingin ni Lexivir ang kamay mo at bigla kang pakasalan, ay nako ah magpaalam ka muna sa amin Lex." sabi ni daddy at nagtawanan sila

"Yes i will tito, but i respect Maxene's decision." tumingin ito sakin at ngumiti.

Nang maihanda ko na ang pagkain niya, hindi ko sinasadyang matingin kay E'em. Wala siyang kibo at parang walang ganang kumain.

"Babe are you okay?." sabi ni Chloe kay E'em

"Ah y-yeah, i'm okay." sabi ni E'em

"Nga pala iha, kailan ang uwi niyo?." sabi ni tita ang mommy ni E'em

Hanggang Sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon