Muling Pag-uusap

309 5 1
                                    

MAXENE's POV

"Hay nakakainis naman! Wala akong magawa, nabasa ko na lahat ng libro na may kinalaman sa pag oopera, halos makabisado ko na nga eh." sabi ko sa sarili ko habang nakahiga sa aking higaan.

Papikit palang ako nang tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman yun binuksan dahil baka importante.

"Huh? Si Chloe?." sabi ko sa sarili ko nang makita ang pangalan niya.

Tatlong araw narin ang nakakalipas nang magkita kami sa coffee shop niya.

"Hi, busy kaba today? Gusto ko sana kumain sa labas samahan mo naman ako please." sabi nito.

Tinignan ko ang orasan, alas kwatro na ng hapon.

"Sure, maliligo at mag aayos lang ako, saan tayo magkikita?." sagot ko dito.

Tutal wala pa naman akong ginagawa, at mukhang nabitin ang kwentuhan namin nung nakaraang araw.

"Dito na tayo sa coffee shop ko magkita, iwan mo car mo sa shop ko para car ko nalang gamitin natin, nandito lang ako. Hintayin kita. Ingats see you later." reply nito.

Agad naman akong naligo at nag ayos. Makapalipas ang 1 oras ay nakarating narin ako sa coffee shop ni Chloe. Hindi na ako bumaba ng sasakyan dahil hihintayin ko nalang syang makalabas.

Ilang minuto pa nakalipas, kinatok niya ang binata ko.

"Hello, tara na dun tayo sa car ko." sabi niya

Agad akong bumaba at tinungo namin ang kanyang sasakyan. Nang makasakay na kaming pareho.

"Grabe gutom na ko." sabi nito

"Ako hindi pa naman masyado pero hindi ako nag lunch eh kaya sakto." at ngumiti ako sa kanya

Nang makarating kami sa resto na sinasabi niya, agad kaming bumaba at pumasok.

"Tara order na tayo." sabi niya

"Ako kung ano type mo sa food wala namang case sakin yun." sabi ko sa kanya

Nang matapos na kami mag order.

"Nga pala, kwentuhan mo naman ako sa naging boyfriend mo." biglang pagtatanong nito

"Ah, eh sige okay lang naman." sabi ko.

"Anong name niya?." tanong niya

"Lexivir ang pangalan niya, lexivir fernando." sabi ko

"Ah, pangalan palang poging pogi na at mukhang ang bango bango." at tumawa ito.

"Huy grabe ka!." at natawa narin ako.

"So saan kayo nagkakilala?." tanong ulit niya.

"School, ahmm third year yata ako. Ang hilig niya kasing magpapansin nun kapag nag iisa ako. Actually mahilig akong mag-isa. Hindi naman ako friendly talaga like others na ang dami nilang friends."

"Then, napapansin daw niya na lagi akong mag-isa sa lunch, at uuwi parang wala daw akong kinakausap kaya lumapit siya sakin. Nung una nakipag kaibigan, tapos hanggang sa niligawan na niya ko. Ayun naging kami na." sabi ko dito.

"So nasaan na siya ngayon?." tanong nito

"Nasa America, naghiwalay kami nung lumipat siya ng Austrilla bigla nalang siyang hindi nagparamdam. Ngayong doctor na ko uuwi na ako dito sa pinas, nagresign muna ako sa hospital na pinapasukan ko then sabi nga sakin may papalit daw sakin. And na shock ako na siya pala ang papalit sakin. Hindi ko akalain na doctor na siya ngayon." sabi ko na bakas sa mukha niya ang pagkagulat.

Hanggang Sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon