MAXENE'S POV
"Mommy? Ahmmm may gusto sana akong sabihin." sabi ko kay mommy habang siya ang nagluluto para sa aming hapunan.
"Ano yun anak?." binaba nya ang kanyang hawak na sandok
"Nagkita kami ni Lexivir kanina." napayuko ako.
"Talaga ba? Kelan pa daw siya nandito?." sabi nya.
"1 week na daw mommy." malumanay kong banggit.
"Te-teka, hindi kaba masaya?." niyaya niya ako umupo sa harap ng lamesa
"A little bit." sabay buntong hininga.
"Anak, wala akong magagawa sa magiging desisyon mo kung babalikan mo siya." hinawakan ni mommy ang mga kamay ko.
"Mommy, hindi ko naman siya babalikan. Wala na yung feelings, ang naiwan puro galit."
Aaminin ko na nagalit ako kay Lexivir, dahil narin iyon sa mga ginawa niya sa akin. Pero ano ba ang dapat kong gawin?
"Anak, dapat marunong tayong magpatawad." sabay ngiti sakin ni mommy, napangiti ako sa sinabi niya.
"Eh mommy, si daddy po ba?."
"Anak, mahal ko ang daddy mo, sobrang mahal na mahal. Matagal ko na siyang pinatawad kahit hindi ko iyon sabihin sa kanya. Even though i'm not the reason why we break."
"Mommy, thankyou for being strong. Kahit wala si daddy sa tabi natin, kinaya natin lahat. Thankyou mommy." at niyakap ko siya.
Kinabukasan, maaga akong gumising para pumunta sa Hospital kung saan ako naka asign. Dahil last 3 days ko na, kailangang maturuan ko na ang papalit sa akin, para makauwi na ko ng pinas sa mga susunod na linggo. Nag pony tail ako dahil medyo mainit na ang klima dito sa America, katatapos lang ng mag winter.
Dumaan muna ako sa isang cafeteria malapit sa hospital, umorder muna ako ng coffee dahil dadalhin ko to sa work, marami kasi akong kailangang gawin ngayong araw. Marami din akong pipirmahan bago umalis. Nang makarating na ko sa parking lot at naglakad na papasok."Goodmorning Dra. Santiago." sabi ng guard naming Amerikano.
"Goodmorning Wisley! Have a nice day!." bati ko sa kanya.
Pumunta na ako sa aking opisina, at pinuntahan ako ni Sarah.
"Goodmorning Dra.!" katok ni sarah sa aking pintuan.
"Come in!."
"Dra.!!! Kamusta ka naman?" ngiting ngiti si Sarah.
"I'm good, bat ganyan ka? Bakit parang ang ganda ng gising mo ha! Eto kape binilhan kita." sabi ko sa kanya na nagdududa sa kinikilos niya.
"Alam mo Dra., pwedeng pwede ka nang umalis." sabay tawa niya ng malakas.
"Ha? Aalis naman talaga ko no, whether you like it or not. Wala akong pake." pagtataray kong banggit na may halong pagtawa.
"Eto naman joke lang! Alam mo nalulungkot nga ko sa pag alis mo eh. Pero alam mo doc, ang gwapo ng papalit sayo." sabay higop niya ng kape
"Sino? Hindi pa nga dinidiscuss sakin eh, hihintayin ko siya ngayong 8 am." habang nag aayos ko ng mga papel na pipirmahan ko.
Gusto ko maging maayos ang lahat lahat pag alis ko kaya ginagawa ko na ng maaga ang mga trabahong kailangang tapusin.
"Fernando daw eh, uhmmm Le-." nahinto ang sasabihin niya nang pumasok ang secretary ng aming president.
"Doc, Mr. Thomas wants you to talk to his office today for a meeting, and Mr. Fernando is coming up too."
"Okey i'll be there for 15 minutes, thankyou." sabi ko sa secretary.
BINABASA MO ANG
Hanggang Sa Huli
RomansaAng istorya na ito ay kung paano nagsimula o nabuo ang Love at kung paano ito at kung saan ito magwawakas. Pag ibig ang dahilan. Love is a choice, Love is powerful. How can you end the LOVE?