E'EM's POV
Anim na buwan narin ang nakakalipas, hindi parin nagigising si Maxene. Hindi parin sumusuko ang pamilya niya, kahit ako din.
Nang magising ako at maging okay na, si Maxene agad ang inalagaan ko.
Pero dahil masyado na kong na delay sa flight ko, at naka ilang cancel na ko. Ngayon nakapag desisyon na ko.
"Maxene, diba sabi ko sayo pupunta ako ng Canada? Aalis na kami nila Elvin at Mommy. Kailangan ko ng magtrabaho dahil marami naring tambak na trabaho dun na kailangan kong asikasuhin."
Hinawakan ko ang kanyang kamay.
"Max, mahal na mahal kita. Sana magkita pa ulit tayo, magpagaling ka ha? Okay? Hihintayin kita. Bibisitahin kita dito kahit anong mangyari." sabi ko.
"Kuya let's go na, mahuhuli na tayo sa flight." sabi ni Elvin.
Napaluha ako, masakit dahil ilang buwan na at hindi parin siya nagigising. Sana maging maayos na ang kalagayan niya, hindi ko siya kayang iwan pero kailangan.
Nagpaalam ako sa mga magulang ni Maxene.
"Tito, tita ever since mahal ko na talaga si Maxene. Hindi ko man po siya kayang iwan ng ganyan pero kailangan ko na pong umalis at tambak na po ang trabaho ko sa canada. I promise na babalik po ako para sa kanya."
"Iho, nang magising ka si Maxene agad ang inalala mo instead ang sarili mo. Kaya nagpapasalamat kami, hindi man maganda ang nangyari pero magsimula tayong lahat ulit. Mag-iingat ka E'em." sabi ng mommy niya
"Alam ko kung gaano ka kamahal ni Maxene noon, kaya alam kong pag gising niya ikaw ang hahanapin niya. Magkikita ulit kayong dalawa basta gawin mo ang layunin mo. Ingat ka ha, dalawin mo siya minsan." sabi ng daddy nya
Bago kami tumungo sa airport, nagtungo kami sa sementeryo kung saan nakalibing si Lexivir.
"Lex, hindi man naging maganda ang huli nating pagkikita, alam ko na naging mabuti kang tao nung una tayong magkita. Walang may gusto na mangyari to Lex, sana kung nasaan ka man ngayon maging masaya ka at lagi mong bantayan si Maxene, wag mo siyang kukunin sakin ipangako mo yan."
Nakaalis na kami papunta na kami ng Canada.
MAXENE's POV
Bigla akong nagising mula sa isang napaka dilim na panaginip, sobrang sakit ng ulo ko.
"Nasa hospital ako?." sabi ko sa sarili ko."
Nag-isip ako sandali at bigla akong naalala na..
"Nabaril kami!." t-teka nasan na sila?
Biglang may pumasok sa kwarto.
"L-lex?." sabi ko
"Oh love gising kana pala." bati nito at nakangiti siya sakin.
"Oo, matagal ba kong natulog?." tanong ko sa kanya
"Oo matagal tagal narin, may 7 buwan na yata?." sabi nito
"A-ano?!" nabigla ako sa sinabi niya
Bigla itong tumawa.
"Alam mo ang cute mo talaga, okay lang yun. Atleast ngayon diba nagising kana?." sabi nito
Nagtaka ako, dahil bakit ganun ang itsura niya.
"Teka bakit ba ganyan ang itsura mo? Bakit naka all white ka? Di ka naman ganyan pumorma ah. Tapos bat ganyan ang itsura ng buhok mo?" bigla akong tumawa.
"Bakit? Ang pangit ko ba?." sabi nito
"Hindi ah, ang pogi mo kaya tska sobrang linis mong tignan." sabi ko
BINABASA MO ANG
Hanggang Sa Huli
Любовные романыAng istorya na ito ay kung paano nagsimula o nabuo ang Love at kung paano ito at kung saan ito magwawakas. Pag ibig ang dahilan. Love is a choice, Love is powerful. How can you end the LOVE?