MULING PAGKIKITA

760 11 2
                                    

"Haaaaaay grabe! Ang dami ko na palang pinag daanan. Thanks God kasi akala ko di ko kakayanin lahat lahat. Kaya ko pala." sabi ko sa sarili ko habang nakatingala ako sa langit, habang linanamnam ko ang sarap ng simoy ng hangin.

Nang biglang..

"Dito kapa rin pala madalas tumambay."

Isang tinig ng lalaki mula sa aking likuran ang nagsalita, nabobosesan ko siya, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Dahan dahan kong binaba ang aking ulo, at nilingon ang nagsalitang yon. Hindi nga ako nagkamali. Si Lexivir? Bakit? Bakit siya nandito? Anong pakay niya?

"Le-Lex?." napakunot ang noo ko. Ang Lexivir Fernando na kilala ko ay hindi ganito itsura noon.

Siya ang ex ko, siya lang ang naging boyfriend ko dito sa America, niligawan niya ako noong third year college kami. Agad ko din naman siyang sinagot dahil bukod sa basketball player siya ng campus, bukod sa gwapo na matangkad at matalino ay sobrang bait pa. Isang taon din kami naging magkarelasyon. Naghiwalay kami dahil..

"Hello? Love? Yes?? Nasaan ka?." habang nakaupo ako sa coffee shop namamahinga at nagrereview.

"Love? Ok lang ba na puntahan kita diyan? Siguro diyan narin tayo mag usap." sabi ni lexi, na agad namang pinutol ang kabilang linya.

Nagtataka ako, pwede naman kami sa bahay mag usap. Pinag sawalang bahala ko iyon. Nang makarating na si Lexivir, ay agad siyang umupo sa aking harapan at hinawakan ang aking kanang kamay.

" Love kumain kanaba? Gusto mo e-order kita? What do you want?." patayo na sana ko para sana oorder, pero pinigil niya ang braso ko na makaalis.

"Love." sabi niya

Agad akong umupo. At takang taka parin sa kinikilos niya.

"Love what's wrong? Ano ba yun? Please tell me. Nag aalala na ko sa kinikilos mo eh." sabi ko habang nakatingin sa kanyang mga mata.

"Love, lilipat ako ng Austrilla." sabi ni Lexivir.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig, totoo ba? Bakit? Anong dahilan?

"Ba-bakit?." takang taka, gulong gulo parin.

"Doon na gusto ni Mommy na maka graduate ako, dahil nandun sila ate. Gusto nila na doon ako magtapos ng pag-aaral." sabay yuko.

Kung yun ang desisyon ng magulang ni Lexivir, sino ba ako para hindi siya payagan. Alam ko masakit, pero kakayanin ko. Sasanayin ko nalang siguro ang sarili ko na wala siya sa tabi ko. Alam ko na hindi araw araw eh magkakasama kaming dalawa. Alam ko na pupunta kami sa point na ganto.

"Love, okay lang." sabay hawak ko sa mga kamay niya na nakangiti.

"Love? Di ka galit? Hindi mo ba ako pipigilan oh ano?." sabi niya.

Masakit sakin na iwan mo ko, pero para naman yan sayo bat kita pipigilan.

"Hindi ako galit love, natutuwa pa nga ako dahil makakasama mo daddy mo dun diba? Makakasama mo mga kapatid mo. Kaya kong maghintay love hanggang sa dumating yung tamang araw at tamang oras para sa ating dalawa. Tska ano silbi ng cellphone or Laptop kung hindi tayo mag uusap diba?. "

Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako. Naluha ako ng bahagya pero hindi ko iyon pinakita sa kanya. Agad akong nagpunas ng luha bago siya kumalas sa pagkakayakap sa akin.

"Thankyou so much love, i promise na hindi ako magbabago sayo. I will never let you go, hindi ako gagawa ng kahit ano na ikakagalit mo love." at kiniss niya ako sa noo.

Dumating na yung araw ng pag alis niya. Kasabay nito ang lungkot na aking nadarama, hindi ko na nagawa pang sumama kay tita ang mommy niya sa paghatid, dahil ayokong masaktan. Mabilis lang naman siguro yung 3 taon. Makakaya namin to.
Napadalas ang pag vi-videocall naming dalawa, sobrang hirap pala kapag LDR. Sa muli naming pag uusap ay nakita ko sa mukha niya ang lungkot. Nagtaka ako.

Hanggang Sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon