Ang Pagbaril

187 2 3
                                    

E'EM's POV

Maaga akong gumising dahil ihahatid ko si Maxene sa hospital na papasukan niya.

Wala akong ginawa kundi ang alagaan siya pagka uwi niya dito sa Pinas nung nakaraang linggo.

Nang makarating ako sa kanila.

"Hello Goodmorning!." lumapit ako sa kanya at hinalikan ko ang kanyang ulo.

"Oh? Bakit ka nandito?" gulat nitong sabi.

"I'm here because ihahatid kita sa work." sabi ko sabay upo sa tabi niya.

"Kaya ko naman eh. Eto talaga!." sabay alok ng kape.

Biglang bumaba ang daddy ni Max. Agad akong tumayo at nagbigay galang.

"Goodmorning po dad- tito." bigla akong natawa nang matawa din si Maxene.

"Oh E'em, nandito ka pala! Ang aga mo ha." sabi nito

"Ah eh opo, ihahatid ko po si Maxene sa hospital na papasukan niya." sabi ko dito

"Ah eh sige, eh bago kayo umalis kumain muna kayo ha? Ako eh magkakape at tinapay lang at papasok narin ako sa work." sabi nito

"Sige po tito."

Pagtabi ko kay Maxene, binulungan ko ito agad.

"Alam naba ng daddy mo ang tungkol sa inyo ni Lex?." tanong ko dito

"Oo alam na niya, nagalit siya kay Lex." at bumuntong hininga ito.

"Wag na natin siya pag-usapan okay? Mag-aayos lang ako sa kwarto. Gusto mo sumama?." sabi nito

Agad akong napalunok sa sinabi niya.

"Hindi naman kaya? Teka!!! Baka mamaya may plano tong si Maxene! Nako! Hindi pa ko ready sa mga ganung bagay! Wag masyadong mabilis!." sabi ko sa sarili ko.

Bigla itong tumawa.

"T-teka, bakit ka tumatawa?." sabi ko sa kanya habang napapakamot ako ng aking ulo.

"Natatawa ko sa itsura mo, mag aayos lang ako ng buhok. Tska baka gusto mo narin makita kwarto ko kung saan ako natutulog." pagpapaliwanag nito.

"Ikaw talaga E'em! Ang dumi ng pag-iisip mo!." sabi ko sa sarili ko.

"Ah eh sige kung okay lang."

Nang makapasok na kami sa kwarto niya. Nakakamangha ang laki ng kanyang kwarto.

"Wow! Ang ganda ng pagkaka design dito sa kwarto mo ha? Tska ang laki." sabi ko dito habang nililibot ang kanyang kwarto

Ang kwarto niya ay doble sa kwarto ko at may sarili itong cr.

"Matanong ko lang, b-bukod sakin.. Si Lex ba nakapasok na dito sa kwarto mo?." tanonh ko habang nakaharap siya sa salamin at nag aayos.

"Uhmm, actually ikaw palang ang kauna unahang lalaking pumasok sa kwarto ko." sabi nito

Nabigla ako sa sinabi niyang iyon.

"Kung ganun E'em.. Ang swerte mo!!." sabi ko sa sarili ko at bigla na lamang ako nangiti.

"Max,." sabay upo ako sa kanyang kama.

"Ginugulo kapaba ni Lex?." tanong ko sa kanya.

"Palagi siyang tumatawag, panay ang text at chat pero hindi ko iyon binubuksan. Tska kung gusto mo kong tulungang makalimot E'em please, wag mo na siyang itanong sakin." sabi nito

"Ah oo sige, pasensya kana."

Bakas sa mukha nito ang kalungkutan. Kaya naman gagawin ko ang lahat para maging masaya siya ulit.

Hanggang Sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon