Chapter 4

301 5 1
                                    

MAXENE's POV

"Hello? Ngayon naba talaga Chloe?." tanong ko sa kabilang linya

Alas nuwebe ng umaga nang tumawag si Chloe sakin. Nagpapasama siya sa Mall dahil bibilhan daw niya ng regalo ang fiancé niya pag-uwi dito sa Pinas.

"Please naman Maxene! Dalawang araw nalang at uuwi na siya, magiging abala na kasi ako sa mga susunod na araw kaya ngayon ako nagpapasama sayo please." pagmamakaawa nito sakin

"Ah o-oo sige sasamahan na kita, mag aayos lang ako ha." sabi ko dito.

"Yeheeeey! See you later Max!." at binaba na nito ang tawag.

Sa totoo lang ay wala ako sa mood magkikilos ngayon dahil ang nasa isip ko ay magbasa nalang muna at magplano for my vacation dito sa Pinas.

Sa Mall na kami nagkita ni Chloe.

"Ano bang balak mong bilhin dito Chloe?." pagtatanong ko dito.

"Gusto ko siyang bilhan ng sapatos, tska ng damit! Tska nga pala ng relo." at ngumiti ito sakin

Sa nakikita ko sa mukha niya, sobrang mahal niya ang fiancé niya. Pinag eeffortan niya ito ng sobra sobra! Kaya siguro pakakasalan siya agad dahil sa mabait na napaka maalaga pa.

Nang mabili na ni Chloe lahat lahat ng kailangan niya, nagpasya na kaming umuwi.

"Thankyou sa lahat maxene ha, you're the best talaga!." sabi nito pagkababa niya sa kotse ko.

"Anytime Chloe, so pano? Mauna na ko ha." pagpapaalam ko dito.

"Sa isang araw, mag didinner tayong tatlo pagka uwi ng fiancé ko ha, don't forget uulit ulitin kitang tatawagan pagdating ng araw na yun." sabi nito at nagtawanan kami.

Naisipan ko narin umuwi dahil sa pagod din kaka shopping niya.

Pag uwi ko ng bahay, may narinig akong sumigaw pagkababa ko ng kotse ko. Napansin ko na wala pa ang sasakyan ni Daddy, nang tumapat ako sa pinto dahil naka awang to ng konti, sinilip ko kung sino ang sumisigaw na yun. Nabigla ako sa nakita ko, sinampal ni Carmela si Aling nene ng maraming beses.

Hindi ako nakapag pigil at agad akong pumasok.

"Carmela!!." sigaw ko, nang malingon siya sakin agad ko itong sinampal ng dalawang beses.

Nabigla si Carmela sa ginawa ko.

"Anong karapatan mong saktan si Aling Nene?! Ang kapal naman ng mukha mo!." pagsasabi ko dito.

"Ang lakas ng loob mong sampalin ako!." sigaw nito

Aakmain niya akong sasampalin din ng agad kong napigilan.

"Alis!." sabi ko ng madiin dito.

"Ikaw ang umalis! Malas ka sa bahay na to! Wala kang karapatan paalisin ako dito! Bitawan mo ko walang hiya ka!."

"May karapatan ako dito, dahil pamamahay ko to! Para sabihin ko sayo!" sabi ko sa kanya na parehong nakatikom ang aking mga kamay para aakmain siyang suntukin kung ano man ang hakbang na gagawin niya laban sakin.

Nagulat ang reaksyon ni Carmela ng sabihin ko sa kanya na sa akin ang pamamahay na to.

"A-anong sabi mo?!." sabi nito sa gulat na reaksyon.

"Bingi kaba? Walang sino man ang pwedeng gumalaw sa kanila kundi ako lang. Dahil ako ang mas may karapatan dito sa bahay nato. Nung una, hinahayaan lang kitang kumilos, gawin lahat ng gusto mo. Pero ang pagbuhatan mo ng kamay ang kung sino man na nandito, wala kang karapatan!." galit ko itong sinabi sa kanya

Hanggang Sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon