MAXENE's POV
Na clear ko na lahat ng mga meeting's ngayong araw. Pinaubaya ko narin kay sheryl ang mga iiwan kong trabaho dahil sobrang napagod ako sa kaliwa't kanan na meeting at sa pag sagot sa mga client sa araw na ito.
Pauwi na ko nang makatanggap ako ng text mula kay Chloe.
"Can we talk?." sabi nito
"Aawayin niya ba ko? Ano sasabihin niya sakin? Malandi ako? Hindi ko inagaw sa kanya si E'em, tinapos ko na matagal na." sabi ko sa sarili ko
5 minuto ang nakalipas bago ako sumagot.
"Sige, ok lang ba kung sa bahay nalang? Hintayin kita." reply ko.
"Hindi naman niya siguro ako pagsasalitaan ng masasama kung nandoon siya sa bahay namin diba?." sabi ko sa sarili ko
Hanggang sa pag-uwi ko, iniisip ko parin kung ano ba balak niyang sabihin sakin.
Dumiretso ako ng aking kwarto at ibinilin ko sa guard namin na kapag dumating si Chloe ay papasukin at sinabi ko din kay Aling nene na sa sala muna siya maghintay at hintayin ako.
Naligo muna ako at nag ayos lang ng konti. Nakatanggap ulit ako ng text mula sa kanya.
"Nandito na ako sa loob ng bahay niyo Max."
Huminga ako ng malalim, ang daming gumugulo sa isip ko at the same time kinakabahan din ako.
Lumabas ako para narin humarap sa kanya at mapag-usapan ang dapat mapag-usapan.
Paglabas ko ng kwarto ko, nakita ko na hinahanda ni Aling nene ang miryenda naming dalawa.
"Maxene, kalma! Kung magalit man siya sayo, isipin mo na wala kang kasalanan dahil tinapos mo na lahat." sabi ko sa sarili ko
Umupo ako sa tapat niya.
"H-hi." sabi ko
Ngumiti ito sakin bago pa man siya magsalita ay naluha na ito. Nagulat ako dahil wala pa man din kaming napag-uusapan.
"Max, panalo kana." patuloy parin ang pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata.
"W-what do you mean? P-pwede ba Chloe, huminahon ka muna, huwag kang umiyak." sabi ko dito dahil narin sa sobrang pagkataranta.
"Hiniwalayan na ko ni E'em, hindi na niya ko pakakasalan." nabigla ako sa mga sinabi niya
"Hindi ko kayang kimkimin to, kaya ako lumapit sayo dahil- dahil alam kong ikaw lang ang makaka intindi sakin." sabi nito
Hindi ako makasagot dahil wala akong ibang masabi.
"Alam ko nung dumating siya at magkita kayo, alam kong mangyayari to. Kaya naman inihanda ko na ang sarili ko, pero- pero hindi akalain na ganito pala kasakit Max!." napahagulgol na siya.
At this point, wala parin talaga akong magawa. Lumapit ako sa kanya at tumabi para patigilin siya sa pag-iyak.
"Shhh, tahan na. Huwag kang umiyak." sabi ko sa kanya.
Para naman gumaan ng konti ang nararamdaman niya.
"Pasensya kana ha Maxene, kasalanan ko to lahat." sabi nito
Pinunasan niya ang kanyang mga luha.
"Kasalanan ko ang lahat, ang totoo niyan kinaibigan kita para makita ko ang reaksyon ni E'em kapag nagkita kayo ulit!." sabi nito
Nagulat ako sa sinabi niya hindi ko akalain na ginawa niya yun.
"Magagalit ba ko?." sabi ko sa sarili ko
BINABASA MO ANG
Hanggang Sa Huli
RomanceAng istorya na ito ay kung paano nagsimula o nabuo ang Love at kung paano ito at kung saan ito magwawakas. Pag ibig ang dahilan. Love is a choice, Love is powerful. How can you end the LOVE?